^

PSN Showbiz

Sharon wala pang lilipatan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Wala pa,” maiksing reply ni Boss Vic del Rosario nang tanungin ko (via text) kung may lilipatan (ABS-CBN or GMA 7) na ba si Mega­star Sharon Cuneta.

Si Boss Vic ang nakipag-negotiate for Sharon sa TV5 at balitang ang big boss din ng Viva Group of Companies ang kausap ni Mega ng buong araw hanggang hating-gabi bago pa ang naging announcement ni Shawie na wala na siya sa TV5.

Maging si Sharon ay walang latest update sa kanyang Facebook account tungkol sa kanyang plans after ng pre-termination ng contract sa TV5.

Anne may second album na, tina-try pa ring pagandahin ang boses

Sobrang natawa si Anne Curtis nang tanungin namin kung anong masasabi niya sa statement ng OPM prime mover na si Mr. Noel Cabangon na puwedeng-puwede siyang maging member ng organisasyon ng mga magagaling na mang-aawit na Pinoy. Bukod sa natawa, nagulat din siya sa narinig nang banggitin namin ang tungkol dun. “Hindi ko alam kung deserve ko ba ‘yun. Nakakatawa ‘yun.

“Hindi ko sure kung deserving ako na maging member,” reaksyon ng actress/performer na abalang-abala ngayon sa promo ng pelikulang The Gifted na showing na sa Miyerkules in theaters nationwide.

Feeling ni Anne hindi niya ka-level ang caliber nina Noel dahil hindi naman siya singer na singer. “I’m a performer and I love to sing. I just love to sing,” sabi ni Anne. “But I wouldn’t say it’s my biggest or it’s my greatest talent in life. But I like to improve it. Every year, tina-try ko talaga hanggang sa one day, magugulat sila, that’s your voice? That’s my dream. Na one day, kahit hindi super ganda, basta acceptable,” pahayag ni Anne na may ginagawang bagong album na siya mismo ang producer. Second album na ito ni Anne. Dalawang beses na rin niyang napuno ang Araneta Coliseum na hindi nagagawa ng ibang legit singer.

Anyway, naikuwento ni Anne na magsusuot siya ng fat suit sa Martes sa It’s Showtime. Yes, as in mataba siyang lalabas sa programa. Dabyana ang cha­racter ni Anne sa The Gifted. Kasama niya sa movie sina Sam Milby and Cristine Reyes.

Daniel Padilla lumeBel sa magagaling na singer kasama ang abs-cbn Philharmonic Orchestra 

Inilunsad na ng Star Records ang debut album ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra na may titulong Decades of OPM na nagbibigay-pagkilala sa ilan sa pinakamagagandang original Pilipino music (OPM) noong 70s, 80s 90s at 2000s.

Tapat sa hangarin nitong ipakilala ang musika ng orkestra sa puso ng mas nakararaming Filipino, tampok sa album ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra ang natatangi nitong kolaborasyon kasama ang ilan sa pinakamahuhusay na mang-aawit sa bansa kabilang sina Gary Valenciano, Martin Nie­vera, Vina Morales, Angeline Quinto, Yeng Constantino, at Piolo Pascual, at pinakasikat na recording stars ngayon gaya nina Daniel Padilla, Enrique Gil, at Abra.

Maghandang kiligin sa mga bagong bersyon ng ilan sa all-time videoke favorites ng mga Pinoy na inawit sa saliw ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Bahagi ng tracklist ang Kapalaran na kinanta ni Gary V, Hawak Kamay ni Yeng, Himig Handog Suite (Medley of Hanggang/Kung Ako Na Lang Sana/Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa/Hindi Na Bale) na inawit ni Angeline, Rey Valera Suite (Medley of Pangako/Tayong Dalawa/Kung Tayo’y Magkakalayo), Mula Sa Puso (orchestra only), Tubig at Langis (orchestra only), at Be My Lady na tinugtog kasama ang award-winning composer-arranger na si Louie Ocampo.

Bukod sa ballads, maghandang mapasayaw sa pagtugtog ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa mga pumatok na Pinoy dance hit songs na tiyak na mu­ling magpapaindak sa bagong henerasyon. Kinanta ni Daniel ang OPM Dance Suite (Medley of Awitin Mo Isasayaw Ko/Katawan/Rock Baby/Tayo’y Magsayawan) at sina Enrique at Abra ang nagsanib-pwersa para sa bagong bersyon ng Totoy Bibo. Tinugtog rin ng orkestra ang Pinoy Ako, ang theme song ng hit reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.

Bahagi rin ng album ang bonus tracks na Please Be Careful With My Heart (orchestra only), Maging Sino Ka Man ni Martin, After All nina Martin at Vina, at Kung Kailangan Mo Ako ni Piolo. Ang Decades of OPM CDs ay mabibili na sa mga record bar sa buong bansa sa halagang P350 lamang. Mada-download naman ang digital format ng mga kanta sa Starmusic.ph, Amazon.com, Mymusicstore.com.ph, at iTunes. Ang 42-piece ABS-CBN Philharmonic Orchestra ay pinangungunahan ng kilalang conductor na si Maestro Gerard Salonga. Ito ay isang joint venture ng ABS-CBN at First Philippine Holdings Corp. 

 

vuukle comment

ABRA

ABS

ANNE

BUT I

CBN

DANIEL PADILLA

ORCHESTRA

PHILHARMONIC ORCHESTRA

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with