^

PSN Showbiz

Vhong walang choice, dalawang beses pa kailangang makipagkita kay Deniece

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Sam Milby ang isa sa mga special guests ni Michael Pangilinan sa kanyang solo concert na gaganapin sa Teatrino mamayang gabi. Kasama rin si Rochelle Pangilinan at Prima Diva Billy. Pero ang isang magandang sorpresa kay Michael ay ang suporta ng buong LGBT community dahil sa kanta niyang Pare, Mahal Mo Raw Ako na entry sa Himig Handog P-Pop Love Songs na ang grand finals ay sa September 8 na sa Smart Araneta Coliseum.

PAK: Ngayon pa lang ay nagpasabi na si Manay Lolit Solis na huwag na siyang hamunin sa Ice Bucket Challenge dahil hindi raw niya gagawin.

Puwede naman daw siyang tumulong o magbigay ng donasyon sa ALS dahil nalaman daw niyang marami na rin pala dito sa atin na may ganung sakit na kailangan ng tulong.

Sa Startalk sa Sabado ay magdadala raw siya ng 100 U.S. dollars, at hahamunin daw niya ang mga co-host niya na magbigay sila ng donasyon, pero hindi na kailangang magbuhos ng malamig na tubig.

BOOM: Hindi pa rin na-terminate ang Judicial Dispute Resolution na in-order ni Judge Bernard Bernal sa kasong Grave Coercion na kaso ni Vhong Navarro laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at iba pa nilang kasamahan.

Nagharap sila kay Judge Tamang ng Branch 73 ng MTC ng Taguig, pero wala namang nangyari sa kanilang paghaharap, dahil buo ang desisyon ni Vhong na hindi siya makipag-settle.

Pero gusto pa rin ng korte na magkaroon ng dalawa pang Judicial Dispute Resolution bago simulan ang trial.

Naka-schedule ang hearing ng JDR sa September 4 at October 2 na kaila­ngang daluhan ni Vhong at harapin ang mga inakusahan niya.

Kahit mahirap sa kanyang harapin sila uli, wala raw siyang magagawa kundi sundin ang utos ng korte.

vuukle comment

BERNARD BERNAL

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

GRAVE COERCION

HIMIG HANDOG P-POP LOVE SONGS

ICE BUCKET CHALLENGE

JUDICIAL DISPUTE RESOLUTION

LOLIT SOLIS

MAHAL MO RAW AKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with