^

PSN Showbiz

Kauna-unahang Brazilian serye napapanood na sa ‘Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsimula nang mapanood kahapon, Lunes (Aug 18) ang kwento ng magkapatid na Ana at Ma­nuela sa Ana Manuela.

Ito ang kauna-unahang Brazilian serye na ipapa­labas sa bansa bunsod ng pinagsanib na pwersa ng ABS-CBN at kilalang broadcast group sa Brazil na TV Globo. Umani na rin ito ng iba’t ibang parangal at napanood na sa North at South America, Europe, at Asya.

Tunghayan kung paano susubukin ng pagkaka­taon ang pagiging magkapatid ni Ana at ni Manuela. Si Ana ay isang sikat at iniidolong tennis player na pansamantalang iiwan ang kanyang karera nang mabuntis siya ng nobyong si Rodrigo.

Hahamakin ni Ana ang lahat para sa pag-ibig ngunit hindi inaasahan na maaksidente ito ay hindi magigising ng maraming taon.

Sa kanyang pagmulat, lahat ng sa kanya ay ki­nu­ha na ng sariling kapatid na si Manuela. Kasama rito ang anak niyang si Julia at pinakamamahal na si Rodrigo. Paano niya babawiin ang lahat kay Manue­la? Kaya niya bang kalabanin ang sariling kadugo?

Samantala, nag-umpisa na rin ang tambalan ng Korea’s sweetheart at Kpop star na si IU at ti­na­­­­­guriang Asian Prince na si Jang Geun Suk sa Pretty Man.

Sundan ang kwento ni Marty, isang nakapagwa­pong lalaking kinahuhumalingan ng mga kaba­ba­ihan. Ngunit sa kabila ng magandang muk­ha iki­nukubli ang kakulangang nadarama dahil sa hindi pagkakakilanlan sa kanyang tunay na ama.

Sa kanyang kalungkutan ay biglang susulpot si Bettina, isang masayahing babae na patay na patay sa kanya. Makuha niya kaya ang puso ni Marty?

Ang Ana Manuela ay napapanood pagkatapos ng It’s Showtime, at Pretty Man pagkatapos ng Bis­tado sa ABS-CBN.

 

 

vuukle comment

ANA MANUELA

ANG ANA MANUELA

ASIAN PRINCE

JANG GEUN SUK

MANUELA

MARTY

PRETTY MAN

RODRIGO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with