^

PSN Showbiz

Carla feeling know it all!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Antipatika at feeling know it all ang nabubuo na impresyon ng publiko kay Carla Abellana dahil sa mga sagot nito sa mga interview at sa kanyang social media posts.

SCENE: Dapat magpasalamat si Carla Abellana sa kanyang ex-boyfriend na si Geoff Eigenmann dahil gentleman ito.

Hindi nagsalita si Geoff sa tunay na dahilan kaya nawalan siya ng gana kay Carla na humantong sa hiwalayan ang relasyon nila.

SEEN: Nawala na ang unwanted pounds sa katawan ni Geoff Eigenmann dahil sa Brazilian martial arts na Jiu Jitsu.

Second placer si Geoff sa 2014 Phil Jiu Jitsu Gi & No Gi Nationals Championship. 

SCENE: Umaasa si Wilma Doesnt na positive ang resulta ng audition niya at ng kanyang partner sa Season 2 ng The Amazing Race Philippines Biyaheng Asia ng TV5. 

SEEN: Masusubukan ang lakas ng hatak sa box office ng loveteam nina James Reid at Nadine Lustre sa August 20 dahil makikipagsalpukan ang kanilang pelikula na Talk Back and You’re Dead sa Somebody to Love ng Regal Entertainment Inc.

SCENE: Ang grand ballroom ng Solaire Resort and Casino ang venue ng 6th Star Awards for Music na magaganap sa September 14, 2014.

SEEN: Mistulang pulitiko si Robin Padilla na nangangampanya na tangkilikin ang Talentadong Pinoy sa TV plug ng nagbabalik-telebisyon na talent search program ng TV5.

Ang misis na si Mariel Padilla ang co-host ni Robin sa Talentadong Pinoy.

                            

vuukle comment

AMAZING RACE PHILIPPINES BIYAHENG ASIA

CARLA ABELLANA

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

JAMES REID

JIU JITSU

MARIEL PADILLA

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with