^

PSN Showbiz

Kahit pinagtaksilan, buong pamilya ng ex na si Ynna nakiramay kay Mark; Nagsisimula nang maging sports channel?! Youth Olympics at 2014 Asian Games nakuha ng

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nakiramay kay Mark Herras ang buong pamilya ng kanyang ex-girlfriend na si Ynna Asistio noong Miyerkules.

Nakaburol sa St. Peter Chapels sa Commonwealth Avenue, QC ang adoptive father ni Mark na si Claudio Herras.

SCENE: Ang dumaraming batikos kay Manila City Mayor Joseph Estrada dahil sa pagpayag nito na ituloy ang construction ng 40-floor condominium building sa likod ng monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park. 

SEEN: Napagkamalan na si John Nite ang young actor na si Arjo Atayde nang dumalo ito sa grand launch ng 100 Most Beautiful List ng YES! Magazine.

SCENE: Tumutulong si Hayden Kho, Jr. sa pagpapaliwanag sa publiko na ibang tao at hindi ang businessman na si Karlvin Ang ang sangkot sa video ng taxi driver na tinutukan ng baril sa insidente na nangyari noong nakaraang linggo sa Camp Crame flyover.

Ayon kay Hayden, a case of mistaken identity ang nangyari at biktima ngayon ng cyberbullying si Karlvin Ang dahil naging iresponsable sa pagbabalita ang PNP at ang media. 

SEEN: Introducing sa Somebody To Love ng Regal Entertainment Inc. si Nathalie Hart na kilala sa kanyang dating pangalan na Princess Snell.

New name, old face. 

SCENE: Sa August 20 ang playdate ng Somebody to Love, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na tinatampukan nina Iza Calzado, Carla Abellana, Isabelle Daza, Maricar Reyes, Matteo Guidicelli, at Jason Abalos.

SEEN: Ang TV5 ang nakakuha ng karapatan para ipalabas sa telebisyon ang 2014 Summer Youth Olympics (August 16 to August 28) at 2014 Asian Games (September 19 to October 6). 

SCENE: Active na uli sa pagkanta ang American singer na si David Archuleta makalipas ang dalawang taon na missionary work niya para sa Mormon Church.

Hinihintay ng Filipino fans ni David ang pagbabalik niya sa Pilipinas.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

ASIAN GAMES

CAMP CRAME

CARLA ABELLANA

CLAUDIO HERRAS

COMMONWEALTH AVENUE

DAVID ARCHULETA

KARLVIN ANG

REGAL ENTERTAINMENT INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with