^

PSN Showbiz

First Grand Finals ng Celebrity Dance Battle, ngayong Sabado na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maghaharap-harap ang limang grand finalists ng Celebrity Dance Battle ng TV5 para sa isang final showdown upang makamit ang P1 M prize sa pinaka-aabangang Grand Finals Night ngayong Sabado.

Patutunayan ni Gary “El Granada” David na bukod sa pagiging ace basketball player ng hard court, maari rin siyang maka-score ng mataas sa dance floor. Samantala, ipapakita naman ng nagbabalik na TV personality na si Pris­cilla Meirelles na hindi pa rin nawawala ang kanyang dancing prowess lalo na at mas naging sexy siya ngayon. Hindi rin magpapahuli si Iwa Moto na ipakita na siya ang nag-iisang dance vixen ng dance floor lalo at muli niyang ilalabas ang kanyang trademark sultry dance moves.

Ipapamalas naman ng professional pole dancer at showbiz royalty na si Ciara Sotto na bukod sa kanyang natatanging pole dancing talent, kaya rin niyang makipagsabayan sa isang dance partner para makabuo ng grand-finals-worthy na dance ensemble. Susubukan naman ng wild card winner na si Rafa Siguion-Reyna na makuha ang puso ng mga judges para ipakita na siya ang dapat na tanghaling champion ng dance battle na ito.

Sino kaya kina Gary David, Priscilla Meirelles, Iwa Moto, Ciara Sotto, at Rafa Siguion-Reyna ang mag-uuwi ng P1 M grand prize at ng karangalan na maging kauna-unahang Celebrity Dance Battle Champion?

Nakasalalay sa kanilang all-out performance at expert judging ng Dance Guru na si Douglas Nierras, Dancing Queen Edna Ledesma, Dance Diva G. Toengi, and America’s Next Top Mo­del Runner-Up na si Allison Harvard.

Sa pangunguna ng nag-iisang dance goddess ng Philippine television na si Ms Lucy Torres-Gomez, kasama ng Semerad twins na sina Anthony at David, ang Celebrity Dance Battlle Grand Finals ay mapapanood ngayong Sabado, June 28, 9:00 p.m. sa TV5.

 

vuukle comment

ALLISON HARVARD

CELEBRITY DANCE BATTLE

CELEBRITY DANCE BATTLE CHAMPION

CELEBRITY DANCE BATTLLE GRAND FINALS

CIARA SOTTO

DANCE

DANCE DIVA G

IWA MOTO

RAFA SIGUION-REYNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with