^

PSN Showbiz

Ano’ng sey mo Rocco? Lovi hindi pa raw nakikita ang lalaking pakakasalan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang gandang bride ni Lovi Poe sa wedding scene nila ni Dingdong Dantes sa Ang Dalawang Mrs. Real.

Ilang beses nang ikinasal sa teleserye at pelikula si Lovi, pero in real life, wala itong dream wedding at hindi yata naniniwala sa kasal. Magkaka-dream wedding lang daw siya ‘pag nakita na niya ang perfect guy para sa kanya. So, hindi pa pala si Rocco Nacino ang perfect guy for her.

Anyway, excited na si Lovi sa maraming ek­se­nang magkasama sila ni Maricel Soriano. Isang eksena pa lang ang nakukunan sa kanila at wala pang masyadong nangyari. 

Samantala, paalis sa June 27 si Lovi for a show sa Toronto ng GMA Pinoy TV at sa July 2 na ang balik. Also, watch out sa second episode ng McDo­nald’s TVC nila ni Solenn Heussaff, kung saan, si Lovi naman ang bida.

Direk FM sumabog nang tawaging insane si Rita Avila

  Sobrang touched si Rita Avila sa ginawa ng asawang si director FM “Erick” Reyes na ipinagtanggol siya sa kanyang basher sa Instagram (IG). Tinawag kasing “insane” ng basher ang aktres nang mapanood mag-guest sa morning show na Pambansang Almusal sa Net 25 kasama ang dolls nilang mag-asawa na sina Popoy, Mimay, at Pony.

Sa nasabing guesting, prinomote ni Rita ang books niyang 8 Ways to Comfort With Grace at ang Si Erik Tutpik at si Ana Taba. Pati na rin ang upcoming book niyang The Invisible Wings to come out in September.

Nasaktan si Direk Erick para sa asawa at sinagot nito ang basher ng mahabang paliwanag. Ang pinunto ni Direk Erick, dumating sa kanilang mag-asawa ang three dolls bagong kasal pa lang sila at hindi noong pagkatapos mamatay ang anak nila.

“Oo nababaliw siya (si Rita) sa pagtulong na ipakalat ang pagmamahal sa mga bata. Mataas ang pagtingin niya sa lahat ng sakripisyo ng mga INA. Pasensya na dahil ngayon ko lubusang puwedeng ipagtanggol siya sa lahat ng tiniis niyang panlilibak dahil katuwiran niya ay hindi naman kailangan pang ipagkalandakan pa ang mga kabutihang ginagawa niya sa orphanages at sa mga bata pati na sa ibang tao. Kaya ako na ang nagsasalita para sa kanya.

“For those who understand, look at your mothers; look at your children. For those who don’t, we won’t even wish that you experience the same pain. You might not be able to pick up yourself if it happens to you.”

 Ayun, nahiya yata ang basher because she dele­ted her post. Kinuyog din siya ng followers nina Rita at Direk Erick, naduwag at binura ang panlalait sa aktres.

vuukle comment

ANA TABA

COMFORT WITH GRACE

DINGDONG DANTES

DIREK ERICK

INVISIBLE WINGS

LOVI

LOVI POE

MARICEL SORIANO

RITA AVILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with