^

PSN Showbiz

Julia gusto nang itakwil ang amang si Dennis Padilla

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mahigit tatlumpong naggagandahang taga-Maynila ang maglalaban sa Miss Manila na gaganapin sa PICC sa June 24.

Isa lamang ito sa highlights sa selebrasyon ng Araw ng Maynila.

Pagkatapos ng dalawang dekada, ngayon lamang ibinalik ang beauty contest na ito ng mga taga-Maynila dahil marami nga namang Manileña ang dapat na mapansin at mabigyan ng break sa showbiz o modeling.

Kailan naman kaya ibabalik ang Manila Film Festival na isa rin sa ina­abangan tuwing Araw ng Maynila?

PAK: Walang kamalay-malay ang current at ex-girlfriend ng sikat na aktor na nagkasabay sila sa isang sosyal na mall nung nakaraang linggo.

Hindi kasi okay ang dalawang magagandang girls na ito at madalas ay pinapatutsadahan ni ex-GF si current GF sa Instagram.

Nag-post kasi si current GF sa Instagram account niya na nandun siya sa naturang mall kasama ang boyfriend na sikat na aktor.

Ilang minuto lang, nag-post din si ex sa kanyang IG account na nandun din siya sa naturang mall.

Curious tuloy kami kung nagkasalubong ba sila dun dahil hindi naman talaga kalakihan ang mall na iyun.

Napag-alamang hindi naman pala, at hindi nila alam pareho na nasa isang lugar lang sila nung mga oras na iyon.

BOOM: Nagsisimula na ngang kumakalat ang balitang nagpapalit na raw ng apelyido si Julia Barretto at idinaan daw ito sa legal na proseso.

Walang kamalay-malay si Dennis Padilla sa ginawa ng kanyang anak. Tinanong siya ng ilang mga reporters, at wala raw siyang kamalay-malay.

Ayaw munang magsalita ni Marjorie Barretto tungkol dito. Pero ang gusto na raw kasing gamitin ni Julia ay Barretto at hindi na Baldivia, ang tunay na apelyido ni Dennis.

Hindi rin namin alam kung si Julia lang ba ang nagpapalit ng apelyido o lahat na mga kapatid nito sa komedyante.

 

vuukle comment

ARAW

DENNIS PADILLA

INSTAGRAM

JULIA

JULIA BARRETTO

MANILA FILM FESTIVAL

MARJORIE BARRETTO

MAYNILA

MISS MANILA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with