^

PSN Showbiz

Pero ayaw pa talagang magka-baby Robin lagi pa ring nag-iinit kay Mariel

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Matagal-tagal na ring hindi napapanood si Mariel Rodriguez sa telebisyon. Malaki raw ang kinalaman ng asawang si Robin Padilla rito. “Huwag muna ngayon, kapag nag-aral na ako. Nag-usap naman kami eh. Marami akong gustong pag-aralan, sa ngayon kasi masaya kaming dalawang magkasama kasi kapag nagtrabaho siya, nagtrabaho ako, malungkot ‘yun,” nakangiting pahayag ni Robin. Ayaw pa rin ng aktor na magkaroon sila ng mga anak ni Mariel sa ngayon.

“Magiging malungkot ako no’n. Huwag muna, wala pa eh. Ako muna ngayon ang baby niya,” giit ni Binoe.

“Hindi pa. Kapag nag-baby na, hindi na ako makakapag-shopping,” pabirong sagot naman ni Mariel. Mag-aapat na taon nang mag-asawa ang dalawa pero masayang-masaya ang kanilang relasyon kahit wala pa silang anak.

“Siguro we are just having fun. Nagbo-bond pa rin kami everyday. Everyday we find something new sa isa’t isa and we are really partners in everything that we do. So I guess so far that’s it,” pahayag ni Mariel.

“Siguro hindi ako ang kailangan tanungin sa usapin na ‘yan. Kasi napakaganda at napakaseksi ng asawa ko, talagang nag-iinit ako diyan, hindi kailangan ng apoy,” natatawang pagtatapos ni Binoe.      

Anak nina Boyet at Sandy mas gustong mag-showbiz kesa sumali uli sa Beauty pageant

Pagkatapos maging finalist ng Binibining Pilipinas noong isang taon ay gusto naman daw pasukin ng anak nina Christopher De Leon at Sandy Andolong na si Mariel de Leon ang show business. Pinaghahandaan na ngayon ng dalaga ang pag-a-artista katulad ng kanyang mga magulang.

“For now, I’m going through acting workshops. Besides acting workshops, I’m also part of the Philippine Opera Company. So they are very proud of me right now,” bungad ni Mariel. Hindi pa raw nakahanda na muling sumali ang dalaga sa mga beauty pageant kaya gusto muna nitong subukan ang pag-a-artista.

“I want to try muna showbiz and opera. I’m still scared to act with my dad. Baka mga supporting role muna for now. Wala pang offer, nagwo-workshop muna ako,” pagtatapat ng dalaga.

Suportado ng mga magulang ang lahat nang ginagawa at gustong gawin ni Mariel ngayon.

“They’re not stage parents so they don’t really give me any advice, now that I’m starting because they want me to start from the bottom without shortcuts. They let me do whatever I want and they support me in everything. So basically it’s my choice. I would still want to join beauty pageants pero not anytime soon. Kasi I don’t feel ready yet. I have to work pa,” nakangiting pahayag ni Mariel.   Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AKO

BINIBINING PILIPINAS

CHRISTOPHER DE LEON

HUWAG

KASI I

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

MUNA

PHILIPPINE OPERA COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with