^

PSN Showbiz

JC walang panahon sa babae

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Loveless pa rin hanggang ngayon si JC de Vera, pero hindi ang pagkakaroon ng bagong girlfriend ang kanyang priority sa ngayon kundi ang kanyang trabaho.  Two years ago pa ang last relationship ni JC - nung sila pa ni Danita Paner.

Ayon kay JC, magiging unfair lamang umano siya sa kanyang GF kung meron siya ngayon dahil wala siyang oras.  Nag­lalagari siya sa dalawang teleserye ng ABS-CBN, ang The Legal Wife at  Moon of Desire. Naisingit pa niya ang pelikulang So It’s You ng Regal Films na palabas pa ngayon sa ibang sinehan. 

Gab nainggit sa kasal ni Echo

Kung nag-asawa na ang panganay na anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano na si Paolo, nag-propose na rin ng marriage sa kanyang kasintahang si Tricia Centenera ang second son ng mag-asawa na si Gab Valenciano at ito’y nangyari sa graduation ng kanilang bunsong anak na si Kiana.

Naunang nakarelasyon ni Gab sina Rachelle Ann Go at Coleen Garcia. Si Rachelle Ann ay kasalukuyang nasa London for the revival ng West End ng Miss Saigon at si Coleen naman ay ang bagong kasintahan ng ex-boyfriend ni Nikki Gil na si Billy Crawford.

Nainggit kaya si Gab sa pagpapakasal ni Jericho Rosales na parang hindi na naiiba sa kanilang pamilya? Kakakasal lang ni Jericho last May 1 sa Boracay.

Cristine may bagong endorsement

Kung si Sunshine Cruz ang huling celebrity endorser na ni-launched ng Ever Bilena nung isang taon, this year ay ang Viva at Kapamilya star na si Cristine Reyes naman ang pinakabagong mukha ng popular cosmetic brand na Ever Bilena.

Noong isang buwan lamang ay nagkaroon ng launching ang sister brand ng Ever Bilena na Careline, kung saan ang Kapuso star na si Julie Anne San Jose naman ang pinakabagong modelo. Taun-taon ay may bagong mukha na ipinakikilala sa publiko ang Ever Bilena. Hindi naman ito humihinto sa pagtuklas ng mga makabagong beauty products na akma sa panlasa, balat at kulay ng mga babaeng Filipina.

 

vuukle comment

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA

CRISTINE REYES

DANITA PANER

EVER BILENA

GAB VALENCIANO

GARY VALENCIANO

JERICHO ROSALES

JULIE ANNE SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with