^

PSN Showbiz

Osang, gusto nang ipatanggal ang ipinadagdag sa boobs

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magbabalik-showbiz na si Rosanna Roces sa pamamagitan ng pelikulang Hustisya kung saan kasama rin ng aktres si Nora Aunor.

Ngayong muling magiging aktibo si Osang sa industriya ay nagbabalak na raw ipatanggal ng aktres ang breast implants na kanyang ipinagawa at ipinakabit noon, dahil nahihirapan na siya sa mga ito.

“Gustuhin ko man siyang tanggalin, masakit na rin nga kasi sa likod eh. Sa mga ganyang role kailangan pa rin siya, wika nga parang umaakting din. So in time, tapos na kasi ‘yung ano niya… boundary na ito eh,” nakangiting pahayag ni Osang.

Matagal-tagal ding hindi napanood ang aktres sa telebisyon at pelikula. Wala raw nakarelasyon si Osang sa nagdaang apat na taon kaya naging abala siya sa pag-aalaga ng mga apo.

“Nasa bahay lang ako, nag-aalaga ng apo, isda. Kapag tumatanda ka na, 42 na ako, gusto mo na ‘yung patahimik nang patahimik. Hanap ako nang hanap ng pagmamahal. Akala ko sa lalaki, hindi pala eh,” paliwanag ng aktres. Umaasa rin si Osang na muling makagawa ng marami pang proyekto sa mga susunod na buwan.

Daniel hindi cheesy kay Karla

Si Daniel Padilla ang panganay na anak ni Karla Estrada sa aktor na si Rommel Padilla. Marami pang kapatid si Daniel pero ang binata raw talaga ang tumatayong ama para sa kanyang mga na­kababatang kapatid na iba ang ama. “Hindi naman ako feeling bossing. Talagang normal lang siguro ‘yun sa akin to discipline kasi siyempre bata pa sila eh. Hindi pa nila alam ‘yung ginagawa nila. Kami ni mama ‘yung nakaaalam ng tama o mali,” bungad ni Daniel. Sobrang pag-aalaga rin daw ang ginagawa ng aktor para sa kanyang mga kapatid at aminado si Daniel na gusto niya talagang tulungan ang ina kaya pinasok ang show business. “Kahit noong bata pa ako, iba na ako mag-isip kumpara sa mga kaibigan ko. Isa sa mga dahilan kaya nag-showbiz ako ay para matulungan si mama,” pagbabahagi ng binata.

Wala ring masasabi si Daniel sa kung paano sila ituring ng kanilang ina. “Wala kaming cheesy moments. Hindi naman sobrang seryoso pero bata pa lang kami, gano’n na kami. Talagang buhay ang pinag-uusapan, kaya lumaki ako na sobrang bukas ang isip ko sa mga bagay,” paliwanag ni Daniel.

Ngayong linggo ay ipagdiriwang ang Mother’s Day sa buong kapuluan kaya nagbigay din ng mensahe ang binata para sa pinakamamahal na ina. “Sana maging masaya siya parati. ‘Yun ang pinaka-importante, ang maging maligaya siya,” pagtatapos ng binata. Reports from JAMES C. CANTOS  

vuukle comment

AKO

DANIEL

KARLA ESTRADA

NGAYONG

NORA AUNOR

OSANG

ROMMEL PADILLA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with