^

PSN Showbiz

Ipaglaban Mo ni Atty. Sison, balik-Kapamilya; Kathryn at Xian, hahataw uli sa takilya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos punuin ang mga sinehan dahil sa kani-kanilang mga pelikula noong nakaraang taon, handa na mu­ling humataw sa takilya sina Xian Lim at Kathryn Bernardo na pumirma ng panibagong kontrata sa film production arm ng ABS-CBN na Star Cinema kamakailan.

Two-picture contract ang pinirmahan ni Xian kung saan pareho niyang makakasama ang ka-loveteam na si Kim Chiu. Makakasama rin ng dalawa ang Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas sa isang pelikula.

Bukod sa pelikula, inilahad din ng aktor na magbabalik siya sa teleserye kasama ang Maria Mercedes star na si Jessy Mendiola, Ian Veneracion, at Carmina Villaroel sa pangunguna ng Star Crea­tives. Sisimulan na ang ta­ping nito sa huling linggo ng Mayo.

Pumirma naman ng mul­ti-picture contract ang Teen Queen na si Kathryn kung saan nakapaloob ang nalalapit na pelikula nila ni Daniel Padilla na She’s Dating the Gangster.

Kinumpirma rin ni Kathryn na soap opera naman ang susunod sa nakalinya niyang mga proyekto pagkatapos ng She’s Dating a Gangster.

Samantala, nanatiling Kapamilya ang King of Talk na si Boy Abunda matapos siyang pumirma ng two-year contract sa ABS-CBN nitong Miyerkules (April 30).

Pumirma rin ng one-year contract ang beteranong abugadong si Atty. Jose Sison at anak na si Jopet Sison sa Kapamilya para sa pagbabalik ng legal drama seryeng  Ipaglaban Mo na hango sa totoong pangyayari at kaso at nagtuturo ng aral mula sa desisyon ng korte. Layunin nitong imulat ang mga manonood sa kanilang mga karapatan at obligasyong legal. Huling napanood ang Ipaglaban Mo sa ABS-CBN noong 1998.

 

vuukle comment

BOY ABUNDA

CARMINA VILLAROEL

COMEDY CONCERT QUEEN

DANIEL PADILLA

DATING THE GANGSTER

IAN VENERACION

IPAGLABAN MO

JESSY MENDIOLA

JOPET SISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with