^

PSN Showbiz

Drama nina Raymart at Claudine, palala nang palala!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung inakala ko noon na matatapos na ang kaso sa pagitan nina Raymart Santiago at Claudine Barretto, nagkamali pala ako dahil hanggang ngayon ayaw matapos ang isyu sa pagitan nila. Katunayan, tila nagkaroon pa nang bigat ang huling paratang ng aktres na pananakit sa kanya ng dating asawa at ito ay nakatakda nilang patunayan sa kanilang muling paghaharap sa korte.

Obvious, na si Claudine ang nagdurusa sa kanilang legal battle ni Raymart dahil hindi siya makapagsimula ng kahit anong trabaho dahil dito. Katunayan, naringgan na siya ng reklamo na pati ang perang pangmatrikula ng dalawang anak niya ay napurnada na dahil sa mahabang tinatakbo ng kanyang kaso.

Samantala ang kanyang dating asawa, bukod sa nakapagtatrabaho pa ay walang mga anak na inaalala at ginagastusan.

Kahit bata pa, Ryzza Mae marunong tumanaw ng utang na loob

Sa kanyang gulang ay marunong nang tumanaw ng utang na loob si Ryzza Mae Dizon sa kanyang benefactor na si Vic Sotto. Matatandaan na si Bossing Vic ang nagkaloob sa kanya at kanyang pamilya ng bagong bahay na tinitirhan nila. Hindi na nga naman nila dapat umuwi pa ng Pampanga kung saan sila naka­tira kapag nakakatapos siya sa kanyang trabaho rito.

Kung sabagay, deserved naman ng 8-year-old child wonder ang mga biya­yang tinatanggap niya.

Manoeuvres at Sexbomb magre-reunion sa concert nina Joshua at Jopay

Tama lang na gamitin nina Joshua Zamora at Jopay Paguia ang kanilang talento sa pagsasayaw para maitaguyod ang kanilang mga karera. Bagama’t lumalabas na rin sa mga serye si Jopay, si Joshua ay nananatiling isang dan­cer at may mga kabataan nang sinasanay sa pagsasayaw. Nagbabalak mag-concert ang dalawa at ano pa ba ang gagawin nila kundi ang ipakita ang kaga­lingan nila sa pagsasayaw. Inaasahang dadaluhan ng mga nakagrupo nilang mga dancers (Manoeuvres at Sexbomb) at mga nakasama nilang artista ang pinaplano nilang palabas.

vuukle comment

BOSSING VIC

CLAUDINE BARRETTO

JOPAY

JOPAY PAGUIA

JOSHUA ZAMORA

KATUNAYAN

MANOEUVRES

RAYMART SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with