^

PSN Showbiz

Sarah, Julia, at Jasmine mahilig sa adventure

Rodel Lugo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Fun, spirited, at outgoing, ito ang mga salitang ma­ka­pagde-describe sa mga tineydyer ng henerasyon nga­yon. Mahilig silang sumubok ng mga bagong adventure kasama ang mga malalapit nilang kaibigan na siya ring bonding time nila. Hindi rin mapipigil ang mga ito na mag-explore at maghanap ng masasayang adventure sa bawat araw.

Ang bonding moments tulad nito ay swak sa lifestyle ng tatlo sa pinakasikat na artista ngayon na bumubuo rin sa most sensational barkada in town. Inilulunsad ang #SunsilkHairkada na binubuo ng pop princess na si Sa­rah Geronimo, ang chic at sassy na si Jasmine Curtis-Smith at ang primetime princess na si Julia Montes. May oras ang #SunsilkHairkada na gawin kung anumang hilig nila, kahit pa ang pagiging spontaneous, expecting the unexpected at i-pursue ang mga bagong adventures nang hindi nag-aalala sa kanilang magagandang buhok.

Kapag hindi busy sa schedule si Sarah sa paggawa ng blockbuster films, nagpeperform ng sold-out concert o nag-rerecord ng platinum album, mahilig siyang kumain sa labas at manuod ng mga sine kasama ang barkada niya. Maya’t-maya ay nagpapa-movie marathon din siya sa kanilang bahay. Mahilig din siyang mag-travel at hiking ang isa sa mga gusto niyang gawin, kung kakayanin ng kanyang hectic schedule.

Nagniningning naman si Julia sa bago niyang tele­ser­yeng Ikaw Lamang kung saan kasama niya sina Coco Martin, Jake Cuenca, at Kim Chiu. Nasaksihan ng mga tagasubaybay niya ang kanyang paglaki. Mula sa isang masiyahing bulilit hanggang sa maging isang sopistikadang dalaga, kung saan nakakapareha na niya ang mga bigating leading men sa industriya ngayon. Nag-iba man ang kanyang mga gusto sa paglipas ng panahon ay hindi naman nawawala ang kanyang pagkahilig sa pagkain. Napaka-adventurous ng dalaga pagdating sa paghahanap sa food bazaar, pagsubok ng mga bagong restaurant at pakikipagsiksikan sa mga night market para lang sa makadiskubre ng bagong masasarap na putahe.

Si Jasmine naman ay patuloy sa paggawa ng pangalan sa industriya kahit walang tulong ng kanyang ate (Anne Curtis). Kasalukuyan siyang hinuhubog ng kanyang home network (TV5) para maging isa sa mga primetime stars nila. Bukod sa pagiging dedicated sa kanyang trabaho, nagagawa niya ring gawin ang mga bagay na gusto niya kasama ang kanyang barkada. Lagi siyang nakakapanood ng mga bigating concerts at mahilig siyang kumuha ng mga pictures kasama ng mga kaibigan niya. Napapanatili naman ni Jasmine ang kanyang katawan sa pamamagitan ng Pilates.

Ilan lamang sina Sarah, Jasmine, at Julia sa libu-libong dalaga na mahilig sa adventure at sundin ang mga passion nila sa buhay. Buti na lang, hindi sila bi­nibigo ng Sunsilk sa pangako nitong madulas at ma­ba­ngong buhok kahit sa maghapon. “Sunsilk’s smooth and manageable contains 5 natural oils that deeply nourish each strand leaving your hair smooth and frag­rant from day to night. So now, hairkadas like Sarah, Jasmine and Julia can stay out under the sun, go to crowded places, even venture out to new locales without worrying about how their hair will look or smell eve­ry minute,” paliwanag ng Sunsilk Brand Manager na si Ann Esteves.

Layon ng Sunsilk na magbigay inspirasyon sa lahat ng barkada sa buong bansa na subukan lang ang mga adventure na dumarating araw-araw.

Iniimbitahan nila Sarah, Jasmine, at Julia ang lahat ng hairkadas sa buong bansa na huwag nang magpigil at huwag mag-alala na mag-enjoy sa mga adventures ng buhay. Naniniwala ang SunsilkHairkada na ang bawat kabataang babae ngayon ay may karapatang ma-experience at magawa ang kanilang mga passion na walang pag-aalala sa pagkakaroon ng madulas at mabangong buhok. Ito rin ang sikreto nila Sarah, Jasmine, at Julia na laging on the go sa mga challenges na kinakaharap nila araw-araw.

 

vuukle comment

ANN ESTEVES

ANNE CURTIS

COCO MARTIN

HAIRKADA

JULIA

KANYANG

SHY

SUNSILK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with