^

PSN Showbiz

Gerald maligaya sa pag-aayos nila ni Kim

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Matapos mapabalitang nagkabati na ang dating magkaibigan na sina Kim Chiu at Maja Salvador ay kinumpirma na rin ni Gerald Anderson na nagkaayos na sila ng dating kasintahan kamakailan. Mas pinili lamang daw nina Gerald at Kim na hindi magbigay ng detalye kung paano at ano ang kanilang napag-usapan. “It’s good, it’s true. Everyone is happy so love, love, love. It’s something I really don’t want to comment on. Kasi before that, everything was so publicized. Nabalita sa media. So this is something na it happened so it’s really good,” paliwanag ni Gerald.

Taong 2010 pa nagkahiwalay ang dalawa at matagal-tagal ding hindi nakapag-usap. Ngayon ay wala na raw magiging problema kina Gerald at Kim kung sakali mang magkaroon ng pagkakataong muling magkatambal sila sa isang proyekto. “Of course, we are in one family, we are in ABS-CBN. Siyempre marami pa ring fans na nag-aabang. Why not? In the future, sige. One step at a time. Hindi naman natin pwedeng madaliin,” giit ng aktor.

Samantala, noong isang araw ay isinugod sa ospital ang kasintahan ni Gerald na si Maja Salvador dahil sa pananakit ng tiyan ng aktres. Wala naman daw dapat ipangamba ang mga tagahanga dahil mabuti na ang kalagayan ni Maja ngayon. “Mahilig kasi sa softdrinks, ayaw uminom ng tubig. Sunud-sunod din kasi ang taping nila sa The Legal Wife. Mahirap talaga, she went back to taping. She’s one of the most masipag na artista na kilala ko,” pagtatapos ni Gerald.

Kathryn at Daniel napi-pressure sa pelikula nina Piolo at Toni

Kahapon ay nagsimula na ang shooting ng bagong pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang She’s Dating the Gangster. Sobrang laki nang kinita ng huling pelikula na ipinalabas ng Star Cinema na Starting Over Again kaya napi-pressure raw ang dalawa na higitan ang kinita ng nasabing proyekto. “Ayaw naman na­ming mag-expect kasi kung titingnan mo bago pa lang talaga kami. Sana maging successful pero ayaw muna naming mag-expect. Basta sisiguraduhin muna na­min na maganda ang material na mapapalabas,” naka­ngiting pahayag ni Kathryn.

“Nakakakaba pero gagawin namin ni Kath ang lahat,” dagdag naman ni Daniel. Hango ang ba­gong pelikula sa libro ni Bianca Bernardino kaya bilang paghahanda ay kinailangan itong basa­hin nina Daniel at Kathryn. “Ibang-iba siya talaga sa mga nagawa namin. Ito medyo matured na ro­man­tic-comedy. Excited ako kasi parang great love story siya. Hindi lang siya basta romantic-co­medy pero more of seryosong love story,” pag­­­lalarawan ni Kathryn. “Mara­ming nakabasa ng book so siyempre hindi naman namin aalisin sa movie ‘yung nasa libro para mapapanood nila kung ano ‘yung nasa libro. Pero mag-e-expect pa sila ng mas ma­raming mangyayari. Hindi lang siya just the book pero maraming mga ilalagay na twists. Kailangan nilang aba­ngan,” dagdag pa ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS

                                   

vuukle comment

BIANCA BERNARDINO

DANIEL PADILLA

DATING THE GANGSTER

GERALD ANDERSON

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

MAJA SALVADOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with