^

PSN Showbiz

Louise di kering magpakita ng laman sa magazine

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Wala namang masama kung hindi pumayag ni Louise delos Reyes na maging cover ng men’s mag. Baka nga talagang hindi pa siya handa at wala pa sa kondisyon ang katawan niya. Hindi naman basta-basta ginagawa ito. Pinaghahandaan ito at kailangan niya ng workout ito keep her body in shape. Kung mapipilitan siyang gawin ito kahit hindi pa siya nakahanda ay  mapipintasan lamang. Kaya better na i-prepare niya muna nang husto ang sarili niya bago siya sumabak sa sexy pictorial.

Meteor Garden pinag-iinteresan pa ring panoorin

Hay naku, happy na naman ang kaibigan at kasamahan ko rito sa PSN na si Vero Samio na makitang muli ang F4. Kahit ilang ulit na niyang napanood ang Meteor Garden ay excited pa rin siyang mapanood ang serye na sinasabing nagpasimula ang Asian telenovela sa bansa. Aber mapanood nga kung may kalamangan nga sa mga sumunod na teleserye ng Korea na siyang nangungunang teleseryeng Asyano sa bansa.

Nadine hindi na dapat ikumpara kay Kathryn

Puwede bang huwag n’yo nang intrigahin pa si Nadine Lustre dahil lang ka-look-alike ito ni Kathryn Bernardo! Hindi naman niya hininging makamukha ang ka-loveteam ni Daniel Padilla, nagkataon lang ito.

Hintayin na lang natin  maipalabas ang Diary ng Panget para malaman kung hanggang saan aabot ang talent ni Nadine.

 

vuukle comment

ABER

ASYANO

DANIEL PADILLA

HINTAYIN

KATHRYN BERNARDO

METEOR GARDEN

NADINE

NADINE LUSTRE

VERO SAMIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with