^

PSN Showbiz

Janine hindi maamin ang totoong relasyon kay Elmo, Wally parang nagsisimula lang uli sa trabaho

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mamayang gabi na mapapanood ang pagbabalik ni Wally Bayola sa Celebrity Bluff.

Ayaw mang mag-expect ng komedyante pero sana nga raw ay tuluy-tuloy na ito dahil, feeling ni Wally, parang nagsisimula na naman siya uli pagkatapos niyang ma-involve sa malaking iskandalo.

Special guest sina Jackie Rice, Georgina Wilson, at Isabelle Daza na maglalaban sa kalahating milyon pisong jackpot.

PAK: Natigilan sandali ang magka-love team na Elmo Magalona at Janine Gutierrez nang tinanong namin sa kanila kung officially on na ba sila.

Tumingin muna si Elmo kay Janine na parang nagtatanong kung aamin na ba sila. Pero naunang sumagot si Janine na close pa lang daw talaga sila. Puwedeng sabihing getting there na raw.

Pero bandang huli, inamin nilang nagseselosan na sila at ang madalas na nagseselos ay si Elmo.

Nagpapasalamat silang dalawa sa Villa Quintana dahil sa nabuo raw ang magandang friendship sa pagsasama nila sa afternoon drama na ito ng GMA 7.

BOOM: Inaasa­hang magtatagpo na sina Vhong Navarro at si Roxanne Cabañero sa March 20 sa Pasig Prosecutor’s Office.

Doon na raw ibababa ng investigating panel ang kanilang desisyon kung may probable cause o aakyat sa korte ang kasong rape na isinampa ni Roxanne laban sa actor/TV host.

Gusto raw ni Roxanne na makita nang harapan si Vhong para roon daw niya makita kung kayang sabihin ng aktor sa harapan niyang hindi siya ni-rape talaga.

Pinagdiinan pa rin ng dalaga na talagang hinalay daw siya ni Vhong kaya umaasa siyang aakyat ito sa korte para dinggin ang naturang kaso.

Sabi naman ng abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga kaya nilang patunayang hindi nangyari ang naturang krimen kaya gusto na nilang mailabas ang resolution ng isinampang complaint ni Roxanne.

Suportado si Roxanne ng boyfriend niyang miyembro ng Philippine Volcanoes na si Arnold Aninion.

vuukle comment

ALMA MALLONGA

ARNOLD ANINION

CELEBRITY BLUFF

ELMO

ELMO MAGALONA

GEORGINA WILSON

ISABELLE DAZA

JACKIE RICE

ROXANNE

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with