^

PSN Showbiz

Vina naiiritang nababanggit sa problema ng ex

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kahit matagal nang wala si Vina Morales at ang ex-boyfriend niyang controversial ngayong si Cedric Lee, the fact remains na ang negosyante ang ama ng kanyang kaisa-isang anak na si Ceana.  Nada-drag ang pangalan ng singer-actress dahil nga sa kanyang naging ugnayan noon sa negosyante. Sa pagkakaalam namin, may ongoing case pa ang da­lawa na may kinalaman sa sole custody ng kanilang anak na nasa poder ngayon ni Vina. 

Sigurado kaming hindi nagugustuhan ni Vina ang pagkakaugnay ng kanyang pangalan sa dating nobyo lalo pa’t may kinalaman ito sa ginawang pambubugbog sa kanyang kapwa Kapamilya star na si Vhong Navarro na kasalukuyan pang nagpapaga­ling sa pagamutan.

Samantala, mas marami ang naniniwala sa mga pahayag ng dancer turned TV host-comedian kesa sa magkakahiwalay na statement nina Cedric, Deniece Millinette Cornejo, at iba na may kinalaman sa pambubugbog kay Vhong at akusasyon ni Deniece na siya’y ni-rape umano ni Vhong sa kanyang inuupa­hang condo unit nung nakaraang Jan. 22.

James walang effort makita si Bimby?!

Hanggang ngayon ay hindi pa rin on friendly terms ang dating mag-asawang Kris Aquino at James Yap. Inamin ni James na may limang buwan na niyang hindi nakikita ang kanyang anak sa dating misis.  Binalikan naman ni Kris na si James daw ang mag-effort na makita ang kanyang anak na puwede naman niyang gawin kung nanaisin lamang talaga. Sa recent legal battle ng dating mag-asawa, pinayagan na si James na magkaroon ng visitation rights sa kanilang anak ni Kris.

Come Feb. 14 and 15 ay magkasunod ang kaarawan ng estranged couple. Feb. 14 si Kris at Feb. 15 naman si James. Kung mag-i-exert ng effort si James na makita at makasama ang anak ay posible itong mangyari. 

Carla ayaw munang magtrabaho?

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na tinanggihan ni Carla Abellana ang project na pagsasamahan sana nila nina Dingdong Dantes at Maricel Soriano? Kung ito’y totoo, sayang naman ang magandang opportunity na pinalagpas ng dalaga ni PJ Abellana.

Hindi naman siguro ipagkakatiwala sa kanya ng GMA management ang project kung hindi ito maganda. May ilang buwan na ring bakante si Carla sa paggawa ng teleserye magmula nang magtapos sa ere last year ang My Husband’s Lover na pinagsamahan nila nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

 

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

CEDRIC LEE

COME FEB

DENIECE MILLINETTE CORNEJO

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

FEB

JAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with