^

PSN Showbiz

Matagal na ring magkaaway Jaclyn Jose wala nang pakialam kay Andi!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Totoo kayang bawal na ang cellphone sa loob ng studio ng Celebrity Bluff? Iniiwasan na lang na may mag-google para malaman agad ang sagot sa mga tanong, para wala na ring dayaan.

Chinese new year ang drama sa Celebrity Bluff mamayang gabi na sasalihan ng magpa-partner na Enzo Pineda at Cynna Ortaleza, Betong at Jan Manual, at Luis Allandy at Maxx Collins.

PAK: Totoo kayang isang pastor na raw ngayon si Hayden Kho?

Namataan ito sa conference ng CCF o Christ’s Commission Fellowship kahapon kasama si Dra. Vicki Belo.

Dumalo lang daw ito, at hindi raw nagbigay ng testimony pero active na raw ngayon si Hayden sa church nila.

Puring-puri nga raw ni Dra. Belo si Hayden dahil ang laki na raw nang ipinagbago nito.

BOOM : Inamin ni Jaclyn Jose na hindi pa rin sila magkabati ng anak niyang si Andi Eigenmann.

Sinabi niyang pagdating sa lovelife ng kanyang anak, hindi na niya pinapakialaman dahil napag-awayan na raw nila ito nang bonggang-bongga.

 â€œMedyo matagal na away namin, so para wala na lang gulo, huwag ko na lang pakialaman ang lovelife niya, ang career niya, at ang lahat-lahat sa kanya.

 â€œSi Ely (apo niya) na lang ang pakikialaman ko, tutal she’s at the right age na rin naman eh. Matalino siya at bakit hindi ko siya bigyan ng chance to do things on her decision, ganun na lang ang iniisip ko,” pahayag ni Jacklyn.

Naramdaman naman daw ni Jacklyn na gusto nang makipagbati ni Andi sa kanya, pero mabuting ganun na lang daw muna para hindi na raw sila mag-away uli.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

CELEBRITY BLUFF

COMMISSION FELLOWSHIP

CYNNA ORTALEZA

DRA

ENZO PINEDA

HAYDEN

HAYDEN KHO

JACKLYN

JACLYN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with