^

PSN Showbiz

Pauleen ayaw pangunahan si Vic sa pagplano ng kasal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inamin ni “Eat Bulaga” host Pauleen Luna na napag-uusapan na nila ng kanyang boyfriend Vic Sotto ang pagpapakasal pero hanggang sa ngayon ay wala pang malinaw na plano.

 â€œKung napaguusapan, napaguusapan naman talaga. But you know, until that day na mayroong solid plans, wala pa,” sabi ni Pauleen ngayong Martes sa press conference ng kanyang bagong soap opera na “The Borrowed Wife.”

Naging open na sina Pauleen at Vic sa publiko tungkol sa kagustuhan nilang lumagay na sa tahimik.

Sinabi noon ni Vic sa isang panayam sa telebisyon na nais niyang may makasama sa pagtanda.

Pero nilinaw ni Pauleen na ayaw niyang pangunahan ang kanyang boyfriend sa kanilang mga plano sa buhay.

“Ayokong pangunahan ang mga bagay-bagay. Right now, we’re very happy with where we are in our relationship. And we’re very open to each other. Kung ano yung gusto niya at gusto ko, nasasabi namin sa isa’t isa,” kuwento ni Pauleen.

“Kaya kung ano man ang mangyayari, hayaan na lang natin mangyari bago natin pagusapan,” dagdag niya.

Kinuwento ni Pauleen na hindi pa niya nababanggit sa mga magulang ang tungkol sa kagustuhan niyang pakasalan si Vic pero sa tingin niya ay hindi naman magiging problema ito.

 "Well, of course, for them, mas okay 'yung pinaguusapan kaysa hindi pinaguusapan,” sabi ng The Borrowed Wife actress.

“Wala naman sigurong magulang na may gusto na may boyfriend 'yung anak niya tapos hindi pinaguusapan at all,” dagdag ni Pauleen.

Makakasama ni Pauleen sa soap opera sina Camille Prats, Rafael Rosell, at TJ Triniad.

Ipalalabas ang The Borrowed Wife simula Lunes kasunod nang “Villa Quintana” at “Magkano Ba Ang Pag-ibig” sa GMA-7.

vuukle comment

BORROWED WIFE

CAMILLE PRATS

EAT BULAGA

MAGKANO BA ANG PAG

PAULEEN

PAULEEN LUNA

RAFAEL ROSELL

VIC SOTTO

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with