^

PSN Showbiz

Jennylyn pagod pa kay Luis!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Pagkatapos humarap ni Sen. Bong Revilla sa mga kaibigang entertainment press kamakalawa ng hapon, tumuloy ito sa GMA 7 para sa isang importanteng meeting at sa taping ng Kap’s Amazing Stories.

Hindi raw niya napigilang maging emosyonal nang makita ang mga movie press dahil na-miss daw niya ang mga ito.

 Nagpapasalamat siya sa mga kaibigan niya sa industriya lalo na sa mga movie press dahil ramdam daw ang pagmamahal at suportang ibinibigay sa kanya at sa buong pamilya.

Nagpapasalamat din siya sa GMA 7 dahil patuloy pa rin ang suporta sa  Kap’s Amazing Stories.

PAK : Wala na pala talagang komunikasyon sina Alma Moreno at ang asawa niyang si Mayor Fahad Salic dahil hindi na nga pala niya alam ang cellphone number ng kanyang asawa.

Kung ano man daw ang mensahe nila at merong gustong iparating tungkol sa kanilang anak, idinadaan na lang daw sa abugado ng Marawi Mayor.

Kaya iyun ang masakit kay Alma dahil wala man lang daw siyang naramdaman na gustong makipag-usap o makipag-ayos sa kanya ang asawa.

Pinag-iisipan na niya ngayong mag-file ng divorce sa ilalim ng Muslim rites pero hindi pa raw niya muna ma-prioritize ito sa ngayon.

BOOM : Inamin ni Jennylyn Mercado na never pala talaga siya naalok ng kasal mula sa mga lalaking nakarelasyon niya.

Ilang beses na silang natsismis noon ni Luis Manzano na magpapakasal na sila, pero hindi raw talaga siya naalok o kahit napag-usapan man lang.

Pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang Kapuso actress dahil wish pa rin daw niyang magpakasal, at kung sakaling meron man, gusto raw niya beach wedding.

“Pero package deal ito eh. Kung sino man ang gusto akong pakasalan, kailangan tanggapin niya ang buong pamilya ko lalo na ang anak ko,” pahayag ng  bida ng Rhodora X.

Sa ngayon ay hindi pa raw muna niya iniisip ang magkaroon ng bagong relasyon dahil napagod daw siya talaga sa nakaraang relasyon niya kay Luis.

 

 

vuukle comment

ALMA MORENO

AMAZING STORIES

BONG REVILLA

DAHIL

DAW

JENNYLYN MERCADO

KAP

LUIS MANZANO

MARAWI MAYOR

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with