^

PSN Showbiz

Regine ayaw makisawsaw sa nangyari sa The Mega and The Songwriter

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Narinig ko rin ang tsismis na hindi magkakaroon ng second season ang The Mega and The Songwriter, ang Sunday night musical show nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid sa TV5.

Awkward naman yata na tanungin si Regine Velasquez tungkol sa show ni Ogie dahil kapag ito ang tinatanong ng mga reporter tungkol sa career ng kanyang misis, ipinapaubaya niya kay Regine at sa manager nito ang pagsagot.

Pero kung anak nila na si Boboo Bear ang kukumustahin, siguradong hindi mauubusan ng kuwento si Regine na hands on ang pag-aalaga sa panganay nila ni Ogie. Nathaniel James ang tunay na pangalan ni Boboo Bear, Nakasanayan lang ni Regine na tawagin na Boboo Bear ang bagets.

Martin proud na proud sa bunsong anak

Proud parent si Martin Nievera sa kanyang anak na si Santino dahil sa award na nakuha nito mula sa school na pinapasukan, ang Lightning Bolt of the Week.

Pinagkalooban ng award si Santino dahil malaki ang improvement nito sa academics, mabait siya sa kanyang mga kaklase at  palaging nagbibigay ng ngiti sa mga teacher niya. Sa madaling-salita, Martin na Martin ang masayahin na ugali ng bagets.

Marami pa akong malalaman tungkol kay Santino dahil magtatanong ako kay Martin tungkol sa kanya. Magkikita kami ni Martin dahil magiging busy na ito sa promo ng Voice of Love, ang Valentine’s Day concert nila ni Regine Velasquez sa The Arena ng Mall of Asia. Hindi ko na sasabihin ang exact date ng Voice of Love ha? Enough na ang clue na Valentine’s Day ang show nina Martin at Regine.

Shalani malapit nang sumayaw sa Sta. Clara

Maraming salamat kay Congressman Roman Romulo at sa kanyang misis na si Shalani Soledad-Romulo dahil sa Christmas gift na ipinadala nila sa akin kahapon.

Bihirang-bihira kami na magkita ni Shalani pero never na nakakalimot sa tuwing may okasyon. Ang magkaroon na sila ni Papa Roman ng anak ang New Year’s wish ko dahil magdadalawang-taon na sa Jan. 22 ang kanilang pagsasama.

Anak na lang ang kulang para makumpleto ang pamilya ng Romulo couple. Kapag hindi pa nagbuntis si Shalani, baka ituloy na niya ang plano na pagsasayaw sa Obando, Bulacan.

Si Sta. Clara ang patron saint ng mga gustong mabuntis at sumasali sa Obando Fertility Rites na idinaraos tuwing buwan ng Mayo sa Obando, Bulacan.

Jennylyn apektado pa sa ex

Si Heart Evangelista ang nag-interbyu kay Jennylyn Mercado para sa Startalk. Maraming rebelasyon si Jennylyn kay Heart tungkol sa kanyang personal na buhay at career.

Ipinalabas kahapon sa Startalk ang tsikahan portion nina Heart at Jennylyn. Bukas ko naman ikukuwento sa inyo ang sidelights ng kanilang kuwentuhan.

Loveless si Jennylyn sa kasalukuyan. Hindi pa siya nakakakita ng ipapalit kay Luis Manzano na mabilis na naka-move on mula sa kanilang paghihiwalay.

Apektadong-apektado si Jennylyn sa nangyari sa kanyang lovelife at malaking tulong na naging abala siya sa tapings ng Rhodora X para mabawasan ang sadness na nararamdaman niya.

Dennis itsinitsismis na lilipat

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong kung totoo na aalis na si Dennis Trillo sa GMA 7 dahil hindi na siya magre-renew ng kanyang exclusive contract na matatapos ngayong January 2014.

Pinipigilan si Dennis ng kanyang fans na nakikiusap na huwag siyang umalis sa Kapuso Network.

Kanya-kanya sila ng mga  opinyon at suggestion pero ang desisyon pa rin ni Dennis at ng manager nito na si Popoy Caritativo ang iiral at masusunod. Nagsimula ang showbiz career ni Dennis sa ABS-CBN bilang member ng Star Circle Batch 10. Kasamahan noon ni Dennis sa Batch 10 sina Karel Marquez, Bea Alonzo at Alfred Vargas na isa nang congressman ngayon.

vuukle comment

BOBOO BEAR

DAHIL

JENNYLYN

KANYANG

REGINE VELASQUEZ

SANTINO

SHALANI

VOICE OF LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with