^

PSN Showbiz

Nabuwisit sa panglalait kay Pacman, Mayweather Jr. nilait-lait ng mga kapwa-Amerikano

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Umani ng mga batikos at  panglalait ang American boxer na si Floyd Mayweather, Jr.  dahil pinaglaruan niya si Congressman Manny Pacquiao sa Christmas card na kanyang ginawa at pinag-aksayahan ng panahon.

Kulang sa pansin at desperado si Mayweather, Jr. dahil imbes na kaaliwan ang pang-ookray niya kay Papa Manny, lait at batikos ang kanyang natikman.

Hindi lamang ang mga Pinoy ang nabuwisit kay Mayweather, Jr. dahil pati ang mga kapwa niya Amerikano, nagsalita na mali at katsipan ang kanyang ginawa. Loser na loser ang image ni Mayweather, Jr. na maraming arte dahil hanggang ngayon, ayaw niyang tanggapin ang offer na magharap sila ng Pambansang Kamao sa boxing ring. If I know, afraid talaga si Mayweather Jr. na labanan si Papa Manny dahil alam niya na matatalo siya.

Dalawang bagong show ng GMA pang-adult!

Natapos na kahapon ang Pasko at ang pagpasok naman ng Bagong Taon ang pinaghahandaan ng mga Pilipino.

Sa TV industry, ready na ang GMA 7 sa pagpapakilala sa mga bagong primetime show na mapapanood sa January 2014, ang Carmela, Rhodora X at Kambal Sirena.

Starring sa Carmela si Marian Rivera, mga bida sa Rhodora X sina Yasmien Kurdi at Jennylyn Mercado at kambal ang role ni Louise delos Reyes sa Kambal Sirena.

Bukas na ang huling gabi sa telebisyon ng Akin Pa Rin Ang Bukas. Hindi ako sure kung alin sa Carmela at Rhodora X ang ipapalit sa mababakante na timeslot ng Akin Pa Rin Ang Bukas. Parehong adult drama ang Carmela at Rhodora X.

Sharmaine inggit na inggit sa pagpayat ni Geoff, Brother in law pala ang trainor

Matagal nang affected si Sharmaine  Arnaiz ng kanyang weight problem. Ginawa na niya ang lahat ng klase ng pagpapapayat na effective naman pero hindi siya satisfied.

Gusto kasi ni Sharmaine na mapadali ang pagpayat at kahapon, nabasa niya ang article tungkol kay Geoff Eigenmann.

Bilib na bilib si Sharmaine kay Geoff dahil 40-pounds ang nabawas sa dating mabigat na timbang ng aktor. Matagal na hindi napanood sa TV si Geoff dahil nagpapayat muna siya.

Heto na ang nakakaloka na part ng kuwento tungkol sa pagpayat ni Geoff. Naging mabilis ang pagbabawas si Geoff ng timbang dahil sa tulong ng kanyang personal trainer na Marc Ochoa ang name. Naloka si Sharmaine dahil bayaw niya ang personal trainer ni Geoff.

Ryzza Mae effective na ‘Endorser’

Ang sipag ni Ryzza Mae Dizon na mag-promote ng My Little Bossings. Hindi niya nakakaligtaan na banggitin sa The Ryzza Mae Show at Eat Bulaga ang pelikula nila nina Vic Sotto, Kris Aquino at Bimby Yap.

Hindi lamang mga bagets ang fans ni Ryzza Mae dahil favorite din siya ng mga matatanda na nag-promise na susuportahan nila ang My Little Bossings. Very effective si Ryzza na endorser ng My Little Bossings.

vuukle comment

AKIN PA RIN ANG BUKAS

CARMELA

DAHIL

GEOFF

KAMBAL SIRENA

MAYWEATHER

MY LITTLE BOSSINGS

RHODORA X

SHARMAINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with