^

PSN Showbiz

Charice bibili ng bahay at lupa sa lugar ng mayayaman!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Uy hindi naman pala true na naghihikahos na sa pera ang tiboling si Charice Pempengco. In fact, nagpaplano raw itong bumili ng bahay at lupa. Namimili raw ito kung sa Eton o Nuvali bibili ng property at sure ang source ko na bibili ito anytime soon.

Tirahan ng mayayaman ang nabanggit na dalawang lugar kaya walang dudang may datung ito contrary sa naglalabasang kuwento na naghihirap na raw ang singer kaya nagtangkang magpakamatay base sa kuwento ng kanyang lola.

Wala raw semblance of truth ang sinabi ng lola ng Pinay singer na girlfriend si Alyssa Quijano.

Paano raw mangyayari ‘yun eh intact naman daw kasi ang pera ng tibolo. ‘Yun daw mga kinita nito sa abroad noon, hindi ginagalaw. Meron pa raw nakabukod na ginagastos at maging ang income sa mga local shows na tinatanggap niya ay iniipon nito sa tulong ng manager.

Bukod sa sariling bahay at lupa, pati raw malaking sasakyan ay gustong bumili ni Charice. Pero pinipigilan daw ng manager.

Kasalukuyang nakatira ang tiboling singer sa bahay ng kanyang manager.

So ayan malinaw, hindi siya naghihikos at hindi rin nagtangkang magpakamatay.

Justin Bieber inunahan pa ang mga artista

Buti pa ang international singer na si Justin Bieber nakapag-mini concert na sa Tacloban kahapon. Samantalang ang ibang artist natin, waley pang ginagawa, puro press release pa lang.

Si Jennylyn Mercado balitang hindi pa nakakapunta ng Tacloban samantalang pagkabagyung-pagka­bagyo, nagsabi na siyang pupunta siya ng Tac­loban para magdala ng relief goods at hanapin ang mga nawawala niyang kamag-anak. Nahihirapan daw sumakay sa C130.

Si Aiza Seguerra lang yata ang local singer na nakapag-mini concert doon bago nga ang international singer na nasabit sa iba’t ibang intriga pero mabuti pala ang puso at kalooban at malaki ang malasakit sa mga taong nabiktima ng bagyong Haiyan (Yolanda).

Nagdaos ng mini con­cert si Justin sa lugar na literal na winasak ng bagyo.

Mga bata lang daw ang pinapanood ng concert sa City Central school.

Maalalang last December 5 ay nagkaroon ng launching ang #GiveBackPhilippines ang international singer sa Social media para makalikom ng pe­rang ido-donate sa mga nasalanta sa bansa.

Balitang umabot na sa $500,000 ang naipon ng #GiveBackPhilippines.

Bago ginanap ang kanyang concert, nag-tweet pa si Justin : “About to go perform the last #believetour show. The real last one and the most important one of the tour. #GiveBackPhilippines.”

At least si Justin hindi PR ang pagtulong at hindi lahat dinadaan sa kampanya sa social media. Nagpunta talaga siya.

God bless Justin Bieber.

Hindi siya nangimi na pumunta sa nasabing lugar na balitang nangangamoy na ang mga katawan ng mga bangkay na nagkalat pa rin hanggang ngayon.

Mga pelikulasa MMFF dalawa pa lang ang natatapos

Dalawang pelikula pa lang pala sa mga kasali sa Metro Manila Film Festival ang tapos na tapos na ayon sa isang source. Ito ay ang Pagpag nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo and 100,000 Hours ni Robin Padilla. Ang iba raw, either hindi pa tapos ng shooting ay nasa po-production pa lang.

Todo na ang promo ng ibang pelikula pero hindi pa pala tapos.

Sana naman umabot sila ng Pasko.

 

vuukle comment

ALYSSA QUIJANO

CHARICE PEMPENGCO

CITY CENTRAL

JUSTIN

JUSTIN BIEBER

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with