^

PSN Showbiz

Lauren nahihiyang makita ang bilbil kapag naka-bra kaya nagpapayat pa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nalulungkot si Lauren Young na matatapos na ang Dormitoryo at one shooting day na lang ang natitira. Naglambing ito sa executive producer ng show kung puwedeng gawing two days ang last taping day dahil mami-miss niya ang Team Dormitoryo. Ito’y kahit kinukulit at iniirita raw siya ni Enzo Pineda.

Nagustuhan ni Lauren ang concept ng show na hindi ang usual na pa-tweetums at sa halip ay pinag-iisip ang viewers at iba’t ibang reaction ang kinukuha sa kanila by watching the show na hanggang Dec. 22 na lang. Wala raw palang rason na matakot ang staff na baka hindi tanggapin ang show dahil mainit naman ang kanilang pagtanggap.

Kung nalulungkot si Lauren sa ending ng Dormitoryo, excited naman ito sa “maindie” film nila ni Richard Gutierrez na Overtime sa direction ni Wincy Ong. Nagpapayat siya at may eksenang naka-bra lang siya dahil kakabitan siya ng bomba. Nakakahiya raw kung sa halip na sa bomba ma-focus ang tingin ng tao ay sa kanyang bilbil.

First time ni Lauren to work with Richard, nag-audition siya sa role ni Jodi, pinabasa sa kanya ang script at laking tuwa na siya ang napili.

So how is it working with Richard?

“Very nice naman. He makes effort to talk and make connection. He talks about sports, very sporty siya na wala naman akong alam. We’ve met na before kasama niya si Sarah Lahbati pero hindi siya nagsasalita. Sabi niya mahiyain lang siya pero ngayon sa shooting, nag-uusap na kami,” sagot ni Lauren.

Marian isinuot ang katulad ng gown ni Angel!

Makikita namin si Marian Rivera mamaya at magpapakuwento kami sa experience niya sa dinaluhang Asian TV Awards (ATA) sa Singapore na naging nominated siya sa best actress category. Hindi man pinalad, magandang experience ’yun sa Kapuso actress at nag-post siya nang pasasalamat sa Instagram (IG).

May nakita kaming pictures na ini-interview si Marian ng Singaporean TV hosts sa red carpet, maitanong nga kung ano ang kanilang pinag-usapan at pare-pareho silang nakangiting tatlo.

May isyu rin sa pagdalo ni Marian sa 2013 ATA na ’yung suot niyang gown na gawa ni Roberto Cavalli ay the same gown na isinuot ni Angel Locsin sa 2012 Metro Manila Film Festival Awards Night. Tanong ng fans, hindi raw ba sinabi kay Marian ng kanyang stylist na isinuot na ni Angel ang nasabing gown?

Tuloy, napansin din na ’yung suot na gown ni KC Concepcion nang tanggapin ang best supporting actress award sa Star Awards for TV ay isinuot na ni Shaina Magdayao sa isa ring event.

Anyway, itatanong din namin kay Marian kung kailan siya magsisimulang mag-taping ng Carmela pati na rin kung kailan sila babalik ni Dingdong Dantes sa Visayas para ituloy ang pagtulong sa mga biktima ng Yolanda.

Pagpasok ni Venus sa GMA kinaiimbiyernahan dahil sa nanay na hindi nanonood ng Channel 7

May show pala sa GMA 7 si Venus Raj, lifestyle and travel program daw ang gagawin nito sa January. Kaya pala lately ay napapanood namin siya sa mga show ng network, lilipat o babalik pala siya sa Channel 7.

Pero hindi lahat ng Kapuso viewers ay natutuwa na kinuha uli nila si Venus dahil hindi nila malimutan ang sinabi ng ina ng dalaga na hindi siya nanonood ng shows ng Channel 7 dahil mahina raw ang reception ng Channel 7 sa Bicol. Tila may sinabi pa ito sa anak na sa ABS-CBN na lang siya mag-sign ng contract. Sana raw malinaw na ang reception ng Channel 7 sa Bicol ngayon.

In fairness sa beauty queen, may mga natutuwa rin naman sa pagbabalik ni Venus sa Channel 7 dahil dito raw siya nagsimula talaga. Tanong nila, kailan naman daw babalik si Miriam Quiambao na para sa kanila ay mas bagay mag-host ng travel show?

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BICOL

DAHIL

DINGDONG DANTES

DORMITORYO

ENZO PINEDA

LAUREN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with