^

PSN Showbiz

Sarah ingat na ingat magsalita!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Magtatapat pala ang programa ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa Sabado ng gabi.

Nagsimula nang mag-taping si Ryan ng bagong game show niya sa GMA 7, ang Picture Picture at natama pala ang timeslot nito sa programa ni Judy Ann na Bet on Your Baby.

“We realized it could happen ’no? When they offered Judy Ann na it’s Saturday, napag-usapan naming whether it’s Talentadong Pinoy or Picture Picture, magkakatapat tayo. So, usapan na lang namin, walang intriga, walang intrega,” natawang sagot ni Ryan.

“I think it’s unique. Sa amin, walang network war. Wala sa amin ’yan. Trabaho namin ’yan. ’Yun nga lang abangan n’yo na lang kung paano ang batian sa show every Saturday,” sabi pa ni Ryan.

 Sa Nov. 23 na magsisimula ang Picture Picture.

PAK: Maingat si Sarah Lahbati sa mga reporter na gustong mag-interview sa kanya nang dumalo ito sa birthday party ni Tita Annabelle Rama na ginanap sa Silk Road, The Fort, Taguig City nung isang gabi.

Nagpapasalamat lang siya sa magandang pagtanggap sa kanya ng pamilya Gutierrez. Malaking bagay daw ’yung nag-bonding sila sa ilang bakasyon nila abroad.

Ang isa pang dumalo sa naturang party na sinasabi niyang meron siyang pasabog ay si Bianca King.

Abangan daw sa malaking rebelasyong maaari niyang ibubunyag sa susunod na linggo.

BOOM: Humarap si Cristina Gonzales sa movie press kahapon para lina­win ang kumalat na balitang namatay daw ito sa nakaraang Super Typhoon Yolanda nung nakaraang linggo.

Nakarating nga raw sa kanya ang kumalat na balitang isa siya sa mga nasawi sa nakaraang bagyo at missing pa raw si Mayor Alfred Rom­ualdez.

Kaya lumabas ito para malaman ng lahat na okay sila pero tala­gang matindi raw ang hirap na pinagdaanan nila nang pinasok na sila ng tubig sa kanilang bahay. Kaya mangiyak-ngiyak itong inilahad ang lahat na nangyari sa kanya at sa buong pamilya.

Pumunta lang siya rito dahil ihahatid lang niya ang dalawa niyang anak at babalik din siya ng Tacloban para asikasuhin daw ang mga nasalanta ng bagyo.

Mangiyak-ngiyak na nagpahayag si Cristina ng pasasalamat sa lahat na tumulong dahil doon daw talaga nakikita kung paano magtulungan ang mga Pilipino na dumaan sa ganung trahedya.

vuukle comment

BIANCA KING

CRISTINA GONZALES

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

KAYA

MAYOR ALFRED ROM

PICTURE PICTURE

RYAN

RYAN AGONCILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with