^

PSN Showbiz

5 years lang pala ang agwat Paolo tinanggap na maging ‘ama’ kay Janine kahit puwedeng maging GF

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Limang taon lang ang agwat ng edad ni Paolo Contis kay Janine Gutierrez pero mag-ama sila sa Villa Quintana, ang afternoon teleserye ng GMA 7 na magsisimula ngayong hapon.

Versatile actor si Paolo kaya hindi problema sa kanya ang gumanap na tatay ng isang babae na papasa na girlfriend niya. Uso na pati ngayon na gumaganap na nanay at tatay ang mga bagets pang artista.

Maaga na naging nanay sa mga teleserye sina Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, at Roxanne Guinoo. Gumanap noon na nanay ni Rocco Nacino si Ara Mina sa isang afternoon teleserye ng GMA 7.

Si Raymart Santiago ang tatay ni Elmo Magalona sa Villa Quintana. Huwag tayong magtataka kung isang araw, nanay na rin ang mga papel na gagampanan ni Claudine Barretto.

Aktor na kuwarenta na ayaw pa sa father roles

May isang aktor na in denial dahil ayaw niya na tumanggap ng father roles, kahit 40 years old na siya sa tunay na buhay. Nabubuhay sa nakaraan ang aktor dahil leading man roles pa rin ang gusto niya.

Kung sabagay, bagets-looking ang aktor dahil marunong ito na mag-alaga sa katawan. Sobrang vanidoso siya kaya napagkakamalan na late ’20s ang kanyang edad pero dapat ma-realize ng aktor na iba na ang panahon ngayon. Sa ayaw o sa gusto niya, malapit na siyang gumanap na tatay sa mga pelikula at drama series.

Dr. Vicki nagkaroon ng mistaken identity

Mali ang akala na si Dr. Vicki Belo ang kasama ni Sarah Lahbati sa Halloween picture na kuha sa isang Halloween party noong Huwebes.

  Male friend ni Ruffa Gutierrez na nag-disguise bilang Megan Young ang napagkamalan na si Doktora Belo. No show si Mama Vicki sa Halloween party dahil dumalo siya sa isang conference sa Arizona, USA.

 Nililinaw ko ito dahil negative ang mga comment sa lalaki na napagkamalan na si Mama Vicki. May mga nagtatanong dahil parang natuyo raw ang hitsura ng nasa picture na na-sight nila.

Mistaken identity ang nangyari. Hindi si Mama Vicki ang nasa litrato dahil out of the country nga siya. Saka fresh na fresh pa ang hitsura ni Mama Vicki kaya maling-mali ang akala ng mga nag-comment na malalabo na yata ang mga mata. Ang layo naman ng physical appearance ni Mama Vicki sa Halloween impersonator ni Megan Young ’no?!

Edu at Bekimon nagtapat!

Hindi nadismaya ang loyal viewers ng What’s Up Doods? dahil siksik at punumpuno ng katatawanan at impormasyon ang episode noong Sabado ng late-night show ni Edu Manzano.

Kung riot ang kauna-unahang pagtatapat nina Edu at Bekimon, kulitan naman ang naging takbo ng pakikipag-usap ni Edu sa sikat na Love Radio tandem nina Nicole Hyala at Chris Tsuper.

Ang dating Survivor Philippines 2: Palau castaway at FHM model na si Jef Gaitan ang nakakuwentuhan ng TV host-actor tungkol sa showbiz career ng dalaga. Na-link noon si Jef sa singer na si Nyoy Volante, Mark Bautista, at fellow Survivor castaway na si Marvin Kiefer.

Ang alam ko, si Alex Castro ang boyfriend sa kasalukuyan ni Jef. The who si Alex? Siya ang dating konsehal ng Marilao, Bulacan at former contestant ng The Next Big Star, ang reality show noon ng GMA 7.

vuukle comment

ALEX CASTRO

ARA MINA

BEKIMON

DAHIL

EDU

MAMA VICKI

MEGAN YOUNG

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with