^

PSN Showbiz

Singer-actress laging late, lagi pang nakaangil sa staff!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Matigas ang statement ni Dennis Trillo na wala siyang balak na balikan sa mga ex-girlfriends niya.

Sinabi niya ito nung isang araw sa press launch ng TomDen album nila ni Tom Rodriguez na out na sa mga record bar.

Wala kasi siyang maisip kung kanino niya ide-dedicate ang kantang One More Try.

Sinabi na rin niyang wala siyang babalikang ex-girlfriend dahil nairita na rin ito sa pagkadawit niya sa hiwalayang Luis Manzano at Jennylyn Mercado.

PAK: Nakakaintriga ang imbitasyon ni Jun Lalin na important announcement daw ng Gutierrez family sa kanilang presscon sa susunod na linggo.

May kinalaman kaya ito sa ginawa nilang picto­rial kamakailan lang? Pictorial daw iyon ng buong pamilya kaya curious kami kung may dagdag sa pa­milya ba na kasama sa fami­ly portrait?

Ang isa sa narinig kasi namin, ipapa-manage na ni Tita Annabelle Rama si Richard Gutierrez sa ibang manager dahil mas gusto na nitong mag-focus sa Cebu na kung saan mas marami siyang na­tu­tulungan doon.

BOOM: Reliable ang nagkuwento sa amin tungkol sa sobrang kamalditahan nitong singer/actress/TV host na nagsisimula pa lang ang bagong prog­rama, kasama ang isang magaling na aktor, nagkakaproblema na sa kakaiba niyang ugali.

Kung dumating ito sa set, isa o dalawang oras na late at wala man lang pahapyaw na “sorry” sa mga co-star na naghihintay sa kanya.

Okay na sana ’yun kung na-late. Pero masungit pa raw sa set na halos ayaw batiin ang mga katrabaho niya at laging nakaangil sa mga production staff.

Feeling yata nitong aktres, sobrang galing niya sa lahat na programang pinasok niya.

Pero sabi ng isang bading, mabuti nga na tinanggal na ito sa isa niyang programa dahil lagi namang palpak ang mga hirit nito kapag may pinag-uusapang isyu.

“Mali-mali pa ang English niya minsan,” hirit ng isang mahaderang kaibigan namin.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

JUN LALIN

LUIS MANZANO

NIYA

ONE MORE TRY

PERO

RICHARD GUTIERREZ

SINABI

TITA ANNABELLE RAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with