^

PSN Showbiz

Para ma-excite ang BF, may edad na female celebrity ‘nagpasikip’

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakakaloka rin naman ’yung kuwento ng isang may edad nang female celebrity nang magkaroon siya ng mas bata sa kanyang boyfriend. Palibhasa guwapo kaya madaling na-in love ang celeb.

Kahit nga nadiskubre ng celeb na dyutay lang ang notes ng lalaki, hindi pa rin niya ito iniwan. Wagas na wagas kasi ang pagmamahal niya sa dyowa.

Para nga “maramdaman” ng babae ang notes ng boyfriend, talagang pinasikap niya ang pagkababae niya, huh! Nang sa gayon ’pag magtatalik sila, sumakto ang lahat-lahat! Hahaha!

Kaya naman daw tuwing magsisiping sila, virgin na virgin ang celeb at sarap na sarap naman ang dyowa niya!

Bong at Jinggoy palaban kay De Lima

Nagsanib-puwersa na ang magkaibigang senador na sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada dahil sa pahayag ni Sec. Laila de Lima na kanselahin ang passport nila dahil sa kasong isinampa sa kanila sa Ombudsman.

Naging vocal ang magkaibigang senador upang ihayag nila ang pagtutol sa panukala ni Sec. De Lima.

Nagdeklara si Sen. Jinggoy na pupunta siya sa States upang samahan ang asawa na si Precy Vitug upang magpatingin sa doctor niya roon. Although wala pang date ng pag-alis, siyempre challenge ito sa secretary kung mapipigilan siya.

Sa panig naman ni Sen. Bong, naglabas siya ng pahayag sa pagtutol sa panukalang ito ng Department of Justice official.  Wala pa naman daw kasong lumalabas kaya wala raw kaparatan ang opisyal upang gawin ang gusto niyang mangyari.

Nasa office ng Department of Foreign Affairs ang sulat ni Sec. De Lima tungkol sa pagkansela ng pasaporte ng mga taong sinampahan niya ng kaso. Pumayag man o hindi ang DFA, that’s another story.

Kung palaban si Sec. De Lima, palaban din ang magkaibigang senador, huh!

Jake pinatungan na naman Ni Eugene

Kinalantari na naman ni Jake Cuenca si Eugene Domingo sa movie nilang Status: It’s Complicated. Sa trailer, pinatungan ni Uge si Jake sa pagkalalaki nito habang hubad ang aktor!

Hindi ito ang unang romansahan sa screen ng dalawa. Nagawa na nila ito sa Tuhog pero sa Regal movie ay mas matindi ang kanilang lampu­ngan kahit comedy ang dating ng ginawa.

Sa totoo lang, isa lang ang Regal movie na nagawang movie ni Eugene this year. Meron pa siyang entry sa festival at sa natapos niyang Mga Kuwentong Barbero, best actress ang hitad sa Tok­yo film festival sa Japan.

 

vuukle comment

BONG REVILLA

DE LIMA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF JUSTICE

EUGENE DOMINGO

JAKE CUENCA

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

MGA KUWENTONG BARBERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with