^

PSN Showbiz

Pasabog ng sexy star super flop!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Epic fail ang pasabog na ginawa ng isang sexy star (SS) sa interview nito kamakailan dahil hindi masyadong pinag-usapan at isang araw lang slight na pinag-usapan. Parang wala siyang mga ibinulgar at hindi nadagdagan ang kanyang kasikatan sa mga pinagsasabi.

Pati yata sa network kung saan nakakontrata si SS hindi alam ang mga pinasabog nito dahil wala silang reaction kahit mga kasama nito sa network ang mga siniraan. O baka naman nabigyan ng memo si SS hindi lang natin alam.

Isang young actress na ka-network ang tinawag ni SS na worst dress and to think na nakakasama niya ito ‘pag guest sa show na mainstay si SS. Pati ang pinakasikat na talent ng kanyang network tinira ni SS na nagpa-breast augment daw na malaking kasinungalingan dahil bago pa man ang aktres boobsie na ito.

Pasalamat si SS at hindi yata nalaman ng fans ng sikat na aktres ang kanyang sinabi kaya hindi siya kinuyog. Dahil wala ngang nag-react, walang saysay ang pagpapa-controversial nito. Better luck next time girl!

Dennis na-starstruck kay Direk dante

Nakakatuwang nagsusuportahan pa rin sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez kahit tapos na ang My Husband’s Lover dahil after ng presscon ni Dennis ng Sapi, nag-attend ito ng premiere night ng Bekikang sa SM Megamall.

Umaasa ang TomDen fans na dadalo rin si Tom sa premiere night ng movie ni Dennis na Sapi sa November 5, sa SM Megamall bago ang regular showing sa Nov. 6. Exclusive na mapapanood ang movie ni Direk Brillante Mendoza sa SM cinemas.

Bukod sa mga nakakatakot na eksena sa Sapi na trailer pa lang, nakakatakot na, may love scene si Dennis kay Chanel Latorre sa movie. Passio­nate siguro ang eksena dahil kinukuwento pa lang ng aktres, kinikilig na.

Sabi ni Dennis, suwerte ang feeling niya nang malamang he’ll be working with Direk Brillante Mendoza na isang multi-awarded director. Tumatak sa kanya na tinalo nito ang mga director na sina Ang Lee at Quintin Tarantino kaya hindi pinalampas na makatrabaho ito. Pero inaming natakot at nagdalawang-isip siya na gawin ang Sapi dahil sa tema.

“Susugod kami at itataya ang mga katawan na­min, paano kung kami naman ang masapian. Nakakatakot ang project, pero dahil sa tiwala ko kay Direk, tinanggap namin ang project at alam kong mapu-pull niya ito.”

Na-starstruck at na-intimidate si Dennis kay Direk Dante at dahil doon, naging tatanga-tanga siya sa first day shoot niya. Nagkamali siya at hindi alam na isinama ‘yun sa mga eksena niya bilang si Dennis Marquez, isang TV reporter na kailangang magpakitang gilas para hindi mawalan ng trabaho.

Samantala, lumalabas ang sense of humor ni Den­nis sa pagkakadawit sa break-up nina Luis Man­­zano at Jennylyn Mercado. Nakakatawa ang sagot nitong “Nakakahiya kay Beh (Tom) nang unang matanong tungkol sa isyu.”

Sa presscon ng Sapi, nakakatawang “Bakit ako di­na­damay sa mga break-up? Wala akong kinalaman doon. Lahat ng nakaraan ko kinalimutan ko na. Lalake na nga ang inaatupag ko (ibig sabihin ang bading role niya sa MHL).” ang sagot ng aktor.

Bekikang nakakatawa at nakakaiyak!

 Ang dami naming tawa sa Bekikang, ang latest movie ni Direk Wenn Deramas under Viva Films na second day showing ngayon. Ang nakakaloka, after mong matawa, iiyak ka at makikikanta pa.

Tama si Direk Wenn na i-launch si Joey Paras dahil ang husay nito mapa-comedy at drama. Ma­laking tulong na mahusay ang buong cast at special mention ang two comedians na friend ni Bekikang. Ma­husay din sina Tom Rodriguez, Nikki Valdez, yung batang gumanap na anak nina Tom at Carla Humphries at Tirso Cruz III.

 Maganda ang pasok ng mga nag-ca­meo na sina Maricel Soriano, Andi Eigen­mann, Iza Calzado at Dingdong Dantes. Pampaalis ng stress ang Bekikang!

Jennylyn hindi pa hinuhubad ang singsing na bigay ni Luis

Tama kaya ang natsika sa amin na suot pa rin ni Jennylyn Mercado last Sunday sa Sunday All Stars ang eternity ring na bigay ng ex-BF na si Luis Manzano? Napansin ito ng fans nila at habang suot ni Jennylyn ang eternity ring, umaasa silang magkakabalikan ang dalawa.

Kaya lang, mukhang naka-move on na si Luis dahil nakikipagkulitan na sa followers niya sa Twitter. Si Jennylyn na lang ang nasusulat na nalulungkot at umiiyak, pero makaka-move on din ito for sure.

vuukle comment

BEKIKANG

DAHIL

DENNIS

DIREK BRILLANTE MENDOZA

JENNYLYN MERCADO

SAPI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with