^

PSN Showbiz

Tom sumuko sa halik ni Dennis! Claudine gustong makita ang mga anak nina Gretchen at Marjorie

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Pumirma na ng exclusive contract sa GMA 7 ang magkapatid na Andre at Kobe Paras nung kamakalawa ng hapon.

Ngayong araw ay ilu-launch na sila bilang ba­gong miyembro ng Sunday All Stars at muling magpapakitang gilas si Kobe sa kanyang pagsayaw at si Andre naman sa pagra-rap.

PAK : Mahaba pala ang eksenang halikan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa finale ng My Husband’s Lover.

Nung kinunan daw ang halikan ng dalawa, nanood ang lahat na mga artistang nandun at hina­yaan daw ng direktor na mag-emote nang bongga ang dalawang bida.

Si Dennis daw bigay na bigay ang pakikipaghalikan kay Tom, ang huli raw ang sumuko. Si Tom daw ang unang umatras dahil sa haba ng halikan.

Sa kissing scene ng dalawa, tiyak na bebenta nang bonggang-bongga ang DVD copy ng katatapos lang na bekiserye.

BOOM : Medyo emotional si Claudine Barretto nang nakausap ito ng Startalk sa kanyang tahanan.

Ayon kay Claudine, nami-miss na raw niya nang husto ang mga pamangkin niya kina Gretchen at Marjorie Barretto.

“Lahat sila nami-miss ko. Mga anak ni Marj siyem­pre, si Julia, si Claui, si Dani, si Leon, saka si Dominique,” maluha-luha niyang pahayag.

Sana raw, hindi na nadamay ang mga bata sa gulo nila. Pero wala naman daw siyang magagawa.

Hindi na rin inaasahan ni Claudine na magkaayos silang magkaka­patid. Pero sana raw magkaroon pa raw ng pagkakataong makasama niya o makita man lang ang mga pamangkin niya sa mga nakaalitang kapatid.

“Siguro sa mga bata, puwede pa. Kasi iba na pag anak na ‘yung tinitira eh; and I think they crossed that line na mga anak ko na ang tinamaan nila,” sabi pa nito.

Hiningan namin ng mensahe si Claudine para sa mga pamangkin niya, umiyak na ito at sinabing miss na miss na niya ang mga ito.

“Parang masamang nightmare itong mga nangyayaring ito eh,” dagdag pa niyang pahayag.

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS TRILLO

KOBE PARAS

MARJORIE BARRETTO

MY HUSBAND

PERO

SI DENNIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with