^

PSN Showbiz

Enrique nag-effort para hindi maiwan sa pansitan ni Dingdong

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Parang napakalaking promise nung movie ni Dingdong Dantes with Bea Alonzo and Enrique Gil na She’s the One. Trailer pa lang, nakakakilig na. Kaya lang siguro kailangan ni Dong ng konting ingat dahil baka masapawan siya ni Enrique na kahit unwanted third ang character sa tandem nila ay nagbabadya na ng threat sa kanilang tambalan.

Mukhang napilitang mag-effort ni Enrique dahil si Dingdong ang bida. Baka nga naman mapag-iwa­nan siya sa pansitan. At pansinin n’yo hah! Maski sa looks department ay hindi nagpabaya ang younger actor. Talagang sumasabay siya sa Kapuso actor.

TVC nang-aagaw ng atensiyon

Napag-uusapan din lang ang mga TVC, habang na­ma­mayagpag pa ang McDo ni Marita Zobel kasama ang isang napaka-cute na bata, heto at may lumabas na isang maagang Christmas commercial ang Eden tungkol sa isang batang bulag na kasama ang kanyang ina. Very touching ‘yung eksena na tini-trace ng fingers ng bata ang mukha ng kanyang ina.

‘Parati akong masaya tuwing birthday ko

Palagi naman akong masaya tuwing birthday ko. Paano hindi naman ako nakakalimutang batiin ng personal at maging sa text ng mga kaibigan ko’t pamilya. Wala naman tumatanggi na mag-guest sa programa ko lalo’t month long birthday cele­bration ang ginagawa ko, pero may mga bisita talaga akong nagpaparamdam ng nostalgia sa akin. Tulad ni Madam Imelda Marcos na sa kanyang gulang ay pinapasyalan pa ako sa taping ng show ko at walang reklamo kahit inaabot siya ng siyam-siyam sa show. Puwede na siyang mag-excuse dahil dapat tulog na siya sa oras ng taping at palabas ng Walang Tulugan, pero dumarating pa rin siya para magbigay ng kanyang pagbati. Sa iyo, Madam Imelda, my wholehearted thank you.

Salamat din sa akin friend na si Shalala. Kahit taga-TV5 na ito ay dumating din para ako bigyan mg bulaklak at pagbati. Nagpadala rin ito ng dinuguan at puto.

Salamat sa bumati at bumisita, thank you, thak you. Sa mga bossing ko sa GMA, sa kanilang pag-aalala at pagpayag na mamasyal ako sa ibang istasyon  dahil alam nilang babalik at babalik ako ng GMA, salamat din sa pagtitiwala. Sa inyong lahat, na nakaalala, salamat.

(Maligayang kaarawan Kuya Germs mula sa buong staff ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa. – SVA)

vuukle comment

ENRIQUE

KAHIT

KUYA GERMS

MADAM IMELDA

MADAM IMELDA MARCOS

MARITA ZOBEL

PANG MASA

PILIPINO STAR

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with