^

PSN Showbiz

TV host nagpatalo ng P100M sa casino imbes na ibigay sa Zamboanga?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Balitang-balita na ang pagkatalo sa casino ng mahigit P100M ng isang sikat na TV host. Nakahihinayang dahil magdadala siya ng tulong sa Zamboanga na naapektuhan sa giyerang nangyayari pa roon.

Biruin n’yo, kung sa halip na napunta sa wala ay mga taga-Zamboanga sana ang nakinabang sa natalong malaking pera, aba, baka dinadakila na nila siya ngayon.

Pero hindi na bale, ang mahalaga, tutulong siya at siniguro namang hindi maliit na halaga ang isisi-share niya.

Julia damay sa away ng pamilya Barretto!

Hindi pa man nakakaarangkada ng todo ang showbiz career ni Julia Barretto, heto at parang gusto na siyang hilahing pababa ng iskandalo na kinasasangkutan ng kanyang pamilya. Gustuhin man niyang idistansiya ang kanyang sarili, hindi niya ito magagawa dahil bukod sa dala-dala niya ang pangalan na nag-uugnay sa kanyang lahi, ang kanyang inang si Marjorie Barretto ang isa sa major protagonists sa mala-teleseryeng pangyayari na nagaganap sa kanilang buhay ngayon.

“I’m saddened by it at nasasaktan ako pero our life has to go on. We can not stop our lives because of it. It may hurt, but it will pass. Sa ngayon, move on with our lives muna kami,” sagot ng teen star na nagulat na pati silang magkakapatid ay itinakwil ng lolo’t lola dahil sa gulo.

Marian nakipagsabayan ng pagkakuwela kay AiAi

Maganda ang tandem nina AiAi delas Alas at Marian Rivera na gaya ng pinatunayan nila sa Kung Fu Divas. With the box-office success ng movie, sigurado nang makakagawa pa sila ng isang follow up, isang comedy uli, dahil pareho silang nakakatawa sa pelikula.

Hindi n’yo aakalain na ang isang may magandang mukha na tulad ni Marian ay makaka-elicit ng laughter from her audience pero keri niya ha? ’Di bale si AiAi kasi talagang komedyante pero si Ma­rian, bagama’t nakagawa na rin ng ilang comedy, ay hindi napag-iwanan ni AiAi. Talagang lumaban ito ng sabayan sa pagpapatawa kahit pa may disadvantage siya dahil talagang napakaganda niya sa big screen.

Galing ng routine nila! At ang effects, halata mong mahal. Kaya naman pala uma­bot ng ilang milyon ang pelikula na talagang nag-enjoy ang manonood sa sinehan na pinanooran ko.

Kuya Germs napapadalas na sa ABS-CBN

Bago matapos ang column ko, gusto kong ipaabot kay Mother Ricky Reyes ang aking pakikidalamhati sa pagpanaw ng kanyang inang si Amada Zabarte.

Isang pagbati naman ang ipinaaabot ko sa isa pang kaibigan, si German “Kuya Germs” Moreno na nagdiwang ng kanyang kaarawan. Blow out ka naman Kuya Germs. Imbitahin mo kami ni Mother Ricky.

Bago ko rin makalimutan, Kuya Germs, mukhang nadadalas ka sa ABS-CBN ngayon ha?

vuukle comment

AMADA ZABARTE

JULIA BARRETTO

KUNG FU DIVAS

KUYA GERMS

MARIAN RIVERA

MARJORIE BARRETTO

MOTHER RICKY

MOTHER RICKY REYES

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with