^

PSN Showbiz

Mas concentrated sa ahas: ‘Wala naman akong sinasabi na nililigawan ko si Sarah’ - Matteo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Noong Lunes ay nagsimula na ang teleseryeng Galema: Anak ni Zuma sa Kapamilya Network. Pinagbibidahan ito ni Andi Eigenmann at si Matteo Guidicelli naman ang katambal ng aktres dito. Ayon kay Matteo ay nag-mature na raw sila ni Andi ngayon kumpara noong una silang nagkatambal sa Agua Bendita tatlong taon na ang nakararaan.

“Feeling ko kami we’ve gone through, so much so ’pag kami ay nasa set na, the way we look at each other is very different from three years ago. We’re very, very excited kasi parang iba na kami. We’ve matured a lot at sobrang excited to be on the set and do scenes together,” nakangiting bungad ni Matteo.

Wala pa ring karelasyon ang aktor ngayon pero aminado ang binatang nagagandahan siya kay Andi.

“Last time noong nasa Agua Bendita kami, ’yung tinginan namin sa isa’t isa parang brother-sister, pero sabi ko sa kanya parang nag-evolve na kaming dalawa at we’ve matured. Sobrang ganda ni Andi. I don’t know,” natatawang pahayag ng aktor.

Samantala, kamakailan ay napabalitang nagkakamabutihan na sina Matteo at Sarah Geronimo. Ano na nga ba ang tunay na estado ng puso ng dalawa ngayon?

“Wala naman akong sinasabi na nililigawan ko si Sarah. Pero wala, my time right now is sobrang concentrated ko sa Galema at naghahanda talaga ako for taping. So, gusto ko itong project, I really wan­ted to put credibility in myself and gusto ko talaga gawin ’yung one hundred ten percent ko dito. We’re friends, that’s it. Galema muna ’yung liligawan ko. Hindi ko alam basta as of now, you know I live by the day, so, today Galema muna,” giit ng binata.

Julia nadiskubre ang hilig sa kotse ni Enrique

Posible raw tumanggap si Julia Montes ng proyekto kung saan makakapareha niya si Daniel Padilla kung mabibigyan ng pagkakataon.

“Parang depende sa role kasi baka kung ma-partner ako sa kanya, magmukhang ate niya lang ako, kasi medyo mature po ako tingnan pero magkaedad lang kami halos, months ahead lang ako sa kanya. Siguro pag-iisipan kong mabuti ’yan. Depende sa role at kung ano ang story,” pagtatapat ni Julia.

Sa Biyernes ay magtatapos na ang teleseryeng pinagbibidahan ng aktres na Muling Buksan ang Puso. Naging malapit raw ang aktres sa katambal niyang si Enrique Gil.

“Opo close kami kaysa noon kasi noon more on ‘hi’ and ‘hello’, ngayon tala­gang alam ko na mahilig siya sa kotse. More on nakilala namin ’yung isa’t isa, na alam na namin ’yung mga favorite. Ngayon mas close talaga,” kuwento ni Julia.

Samantala, mas lumalim naman ngayon ang pagkakaibigan nina Julia at Enchong Dee na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon.

“Wala pong nagsara kaya wala pong nabuksan, pero ngayon nabuksan po kami sa chance na we’re okay na friendship, at mas strong na foundation sa friendship,” pagtatapos ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                    

vuukle comment

AGUA BENDITA

ANDI

ANDI EIGENMANN

DANIEL PADILLA

GALEMA

JULIA

MATTEO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with