^

PSN Showbiz

Alessandra ‘di maintindihan na may kasama silang aso sa dressing room at katabi pa sa kama

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Akala namin totoong nagalit si Alessandra de Rossi sa “Judgemental siya” na sagot patungkol kay Katrina Halili na inaming natakot siya nang ma­lamang makakasama niya si Alex sa Magkano Ba Ang Pag-ibig? Natakot si Katrina dahil mahusay na aktres si Alex at prangka, kaya sa storycon palang, takot na siya rito.

Sinabi namin kay Alex ‘yun at ‘yun nga ang sagot na akala namin totoo dahil seryoso at naniniwala raw si Katrina sa mga kuwento. Pero sinundan ng “Mahal ko ‘yang si Katrina at masaya ako na kasama siya rito at mabait siya sa akin ever since.”

Hindi lang si Katrina ang friend ni Alex sa cast, close friend din niya si Heart Evangelista. Mas masaya at mas mabilis ang trabaho ‘pag friends ang mga kasama niya. Ang hindi lang niya maintindihan kay Heart, pati ang aso nito dinadala sa dressing room nila at katabi nila sa kama.

Anyway, sa September 30 sa GMA Afternoon Prime mapapanood ang Magkano Ba Ang Pag-ibig? sa direction ng mabusi­sing si Maryo J. Delos Reyes.

Lovi walang manliligaw

Nag-react ang press at hindi makapaniwala sa sinabi ni Lovi Poe sa presscon ng Sana Dati na kaya wala siyang lovelife ngayon ay dahil hindi siya ligawin. Hindi nga naman kapani-paniwala ang sina­bing ‘yun ng aktres dahil alam ng press na marami ang may gusto sa kanya at naghihintay lang na kanyang mapansin.

Kabilang dito sina Jake Cuenca at Rocco Naci­no na nabalita pang nagkahamunan nang magkita-kita silang tatlo. Sa dalawa, si Rocco ang may ad­vantage dahil pareho niyang Kapuso talent at magkasama pa sila sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

Anyway, excited na si Lovi na bumiyahe ng Hawaii dahil isa ang Sana Dati sa Philippine movies for exhibition sa Hawaii International Film Festival (October 14-17). Magdadala raw siya ng bikini at ang director nilang si Jerrold Tarog ang gagawin niyang photographer dahil magpapa-picture siya.

Invited din sa Pusan International Film Festival ang movie (Oct. 4), pero ang director lang ang pupunta. Busy si Lovi sa taping ng Akin Pa Rin Ang Bukas at aasikasuhin pa ang paglilipat sa bagong bahay (this Saturday ang lipat niya).

Kabado si Lovi sa commercial run ng Sana Dati dahil iba ang audience sa Cinemalaya, pero umaasa itong panonoorin ang pelikula na isa sa pinakamaganda this year. Subukan n’yong panoorin!

Tatlong ‘Pinoy’ magbabakbakan para makapasok sa Best Foreign film ng Oscars

Kapag pare-parehong nakapasok sa 2014 Oscars sa Best Foreign Film ca­tegory ang mga pelikulang Metro Manila, Ilo Ilo at Transit, dapat magbunyi ang Filipino actors.

Ang Metro Manila directed by British director Sean Ellis at tampok sina Jake Macapagal, Althea Vega at John Arcilla ang entry ng United Kingdom sa Oscars.

Ang Ilo Ilo na dinirehe ng isang Singaporean filmmaker at tampok si Angeli Bayani ay ipadadala ng Singapore sa Academy Awards.

Ang Transit sa direction ni Hannah Espia at tampok sina Irma Adlawan, Jasmine Curtis-Smith, Mercedes Cabral, Marc Justine Alvarez, at Ping Medina ang napili naman Pilipinas.

Ang ganda kung pumasok ang tatlong pelikula hindi ba? Pero kakaila­nganin ng Transit ng malaking tulong ng gobyerno para mapasama sa official entry sa Academy Awards.

Dating biritera nagkatrabaho sa I’ll be there

Ang I’ll Be There na original ni Julie Anne San Jose ang theme song ng Kahit Nasaan Ka Man, ang musical drama na pagtatambalan nina Julie Anne at Kristoffer Martin. Marami pang songs ang gagamitin sa soap at kinuha ng GMA 7 si Jimmy Antiporda bilang musical director, binago niya ang areglo ng song lalo na ‘yun duet nina Julie Anne at Kristoffer.

Ang writing team ng My Husband’s Lover ang nasa likod ng Kahit Nasaan Ka Man.

Sa September 23, Monday, after 24 Oras ang pilot ng musical drama. Natutuwa kaming muling mapanood si Roseanne Magan sa role ng batang Julie Anne dahil Biritera pa ang last soap nito. Si Migs Cuarderno ang gumaganap na batang Kristoffer.

 

vuukle comment

ACADEMY AWARDS

AKIN PA RIN ANG BUKAS

ALEX

DAHIL

JULIE ANNE

KAHIT NASAAN KA MAN

LOVI

MAGKANO BA ANG PAG

SANA DATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with