^

PSN Showbiz

Porke nadala sa abroad: Aktor pinagyayabangan ang sariling magulang

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Shocking ang kuwento tungkol sa aktor na nagsama sa kanyang ina sa ibang bansa. Tuwang-tuwa ang madir ng aktor dahil nakapag-abroad siya. Alam n’yo ba kung ano ang sagot ng aktor? “Ako pa ang nakapagdala sa ’yo, ’no?!”

Naloka ang mga nakarinig sa sagot ng aktor dahil may pagyayabang ang tono ng kanyang boses. Parang ipinamumukha niya sa sariling ina na kung hindi dahil sa kanya, hindi makakapangibang-bansa ang pobreng magulang.

Malaking-malaki na ang ulo ng aktor. Natatakot ang mga tao sa kanyang paligid dahil mahirap nang makontrol ang kayabangan niya at kasalanan din ito ng mga nagbigay ng ilusyon na sikat na sikat siya.

Kris at Aljur na-miss ang isa’t isa

Kahapon ang pictorial ng cast ng Prinsesa ng Buhay Ko, ang primetime show ng love team nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Kasali sa cast ng Prinsesa ng Buhay Ko ang mga hot momma na sina LJ Reyes at Lian Paz. Ang Prinsesa ng Buhay Ko ang reunion project nina Aljur at Kris na na-miss na katrabaho ang isa’t isa.

Maraming artista nag-commit sa EDSA tayo

Mali ang akala na itataon sa kaarawan ni dating Pangulo Ferdinand Marcos ang anti-pork barrel rally sa Sept. 11.

Kung nabubuhay si Marcos, 96 years old na siya sa Sept. 11 pero walang kinalaman sa kaarawan niya ang rally na tinawag na EDSA Tayo.

Ang September 11 ang petsa na napili ng mga organizer ng bagong rally dahil September 11 nang mangyari ang 911 attack sa Amerika noong 2001. Ang 9-1-1 ang emergency telephone number sa US na naging makasaysayan dahil nga sa Sept. 11 attack sa Twin Towers at ibang lugar sa Amerika noong 2001.

Nag-commit na ang mga kilalang artista na sisipot sila sa EDSA Tayo bilang pakikiisa sa panawagan para sa abolition ng pork barrel na itinuturo na dahilan ng matinding corruption sa pamahalaan.

Alden at Tom pasok nasa hottest actors, cover boys ng Cosmo

Hataw sa 69 Cosmo Hunks ang mga Kapuso actor na sina Alden Ri­chards at Tom Rodriguez. Para kina Alden at Tom, malaking karangalan na mapili sila bilang mga hunk ng Cosmopolitan Magazine. Ang dalawa lang naman ang mga cover boy ng 69 Cosmo Hunks.

Tiyak na rarampa sa Cosmo Bash ang dalawang aktor, kasama ang ibang mhin na kasali sa listahan ng 69 hunks ng Cosmo.

Ryzza Mae lalong napunggok kay Bimby

Namana ni Bimby Aquino Yap ang tangkad ng kanyang tatay na si James Yap. Six-years old pa lang si Bimby pero ang taas-taas na niya.

Matanda ng isang taon si Ryzza Mae Dizon kay Bimby pero hanggang dibdib lamang nito ang kanyang leading lady sa My Little Bos­sings.

Lalong napansin ang height ng Aling Maliit nang magkasama sila ni Bimby noong Linggo. Binatang-binata na ang dating ni Bimby at neneng-nene pa rin ang hitsura ni Ryzza.

Malinaw na malinaw na ang dalawang bagets ang ibebenta sa filmfest movie na pagbibidahan nina Vic Sotto at Ryzza Mae. Tama ang desisyon ng mga produ na palitan ang title ng pelikula dahil malakas ang hatak ni Ryzza Mae sa publiko. Baka ang My Little Bossings ang maging top grosser sa Metro Manila Film Festival 2013.

vuukle comment

ALDEN RI

ALING MALIIT

BIMBY

BUHAY KO

COSMO HUNKS

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with