^

PSN Showbiz

May crush daw kay Maja, JC naghahanap ng gulo

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa man natatagalan si JC de Vera na maging­ Kapamilya, ngayon pa lamang ay hinuhulaan na ng marami na maiintriga ito’t magugulo dahil inopen niya ang pagkakaroon ng crush kay Maja Salvador na alam naman ng lahat na ka-on na ni Gerald Anderson at naging maintriga at magulo pa ang naging simula ng kanilang relasyon.

Kahit sabihin ni JC na crush lang at hindi niya liligawan ang magaling na kabataang aktres, he opened a hornet’s nest nang aminin niya ang damdamin niya para kay Maja. Ang aktres ang pinili ng ABS-CBN na unang makatambal niya para sa kanyang unang serye rito na pinamagatang Hanggang Kailan Kita Mamahalin.

Mai-expect ba natin ang madalas na pamamasyal ni Gerald sa set once na nagsimula ang taping nito?

Ryan lumalabas na ang pagka-chickboy?!

All of a sudden ay biglang napalitan ang good boy image ni Ryan Agoncillo ng chickboy. Kay Julia ­Clarete naman ito ngayon nali-link na co-host niya sa Eat Bulaga. Dati ay itinuturing na pinaka-masuwerteng babae na si Judy Ann Santos dahil hindi nababalitaan ang kanyang asawa na may nililigawang si ganito at ganung babae pero pansinin n’yo, nakaka-tatlong babae na sa Eat Bulaga ang idinidikit sa kanyang pangalan.

Nauna na si Daiana Menezes na mabuti’t nakaalis na kung hindi ay baka sila pa rin ang pinagpa-partner ngayon ni Ryan. Sumunod naman si Isabelle Daza na pinaniniwalaan ng marami na ang inang si Gloria Diaz ang dahilan kaya naudlot ang pagpapareha sa kanila. At ngayon naman ay si Julia na ayon sa pagkakaalam ng marami ay hindi naman loveless, o baka naman nagbago na ang status niya, so, paano papapel sa love life niya ang mister ni Juday?

Hay naku Ryan, ayusin mo ’yan. May problema na nga si misis sa kanyang network daragdagan mo pa ba ng mas nakawiwindang na marital problem? At bakit ngayon lang parang lumilitaw ang playboy image mo, now that you are married? And happily at that!

vuukle comment

DAIANA MENEZES

EAT BULAGA

GERALD ANDERSON

GLORIA DIAZ

HANGGANG KAILAN KITA MAMAHALIN

ISABELLE DAZA

JUDY ANN SANTOS

NIYA

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with