^

PSN Showbiz

Daniel naranasan ang maging mahirap

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kahit nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng estranged parents ng teen heartthrob na si Daniel Padilla, sina Karla Estrada at Rommel Padilla, nanatiling magkaibigan ang dalawa at never na inilayo ni Karla ang kanyang panganay sa ama nitong si Rommel na may pitong anak din sa iba’t ibang babae.

Bukod kay Rommel, nagkaroon din si Karla ng tatlo pang anak sa iba’t ibang nakarelasyon at kasama na rito ang second cousin ni Rommel na si Naldy Padilla, ang Quezon City councilor na si Mike Planas at isa pang non-showbiz guy.  Sa mother side, may isa siyang half-brother na si JC at dalawang half-sisters na lahat very close kay DJ (Daniel).

Sa kanyang paglaki, naranasan at nasaksihan ni DJ ang hirap na ginawa ng kanilang inang si Karla para lamang maitaguyod at mapalaki silang magkakapatid.

Habang lumalaki si DJ, nararamdaman  ni Karla na mag-aartista ang kanyang panganay na anak at sisikat ito na siya ngang nangyari. Si DJ ang nagbibigay-ginhawa ngayon sa kanyang ina at mga kapatid.

“Ang maganda kay DJ, hindi pumapasok sa ulo niya ang kasikatan niya. Siya pa rin ang DJ na alam ng lahat, mabait at magalang,” pagmamalaki ni Karla.

It was the late talent manager Douglas Quijano who spotted DJ at gumawa ng paraan na ito’y makita ng Star Magic boss na si Johnny Manahan.  Hindi man inabutan ni Douglas ang katuparan ng kanyang pangarap para sa panganay ni Karla dahil siya’y binawian ng buhay, tiyak na masayang-masaya ang kilala at respetadong talent manager sa kanyang kinaroroonan dahil si DJ ngayon ang isa kundi pinakasikat sa kanyang henerasyon. 

Kung proud kay Daniel ang kanyang mga magulang na sina Karla at Rommel, ganundin naman ang mga tiyuhin nito sa father side na pinangungunahan ni Robin Padilla.

Bakit kaya hindi naiisip ng Star Cinema o ni Robin kaya na mag-produce ng pelikula na tatampukan ng magtiyuhin?

Alam mo ba, Salve A., na ang ating kaibigan at katotong si Nap Gutierrez ang naka-discover sa tinedyer pa noon si Karla Estrada? Si Nappy ang gumawa ng paraan na makapag-audition noon si Karla sa That’s Entertainment ni Kuya Germs na nakapag-produce ng naparaming stars?  Sa That’s… nagsimula si Karla hanggang sa siya’y i-sign up ng Regal Films.

Luis at Jennylyn sinadyang hindi isama sa ekstra

May mga nagtanong kay Direk Jeffrey Jeturian kung bakit hindi niya isinama sa pelikulang Ekstra ng Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos ang magkasintahang Luis Manzano at Jennylyn Mercado na siguradong hindi tatanggi.

Ayaw marahil ni Direk Jeffrey na maging “family affair” ang pelikula kung mapapasama sina Luis at Jennylyn.

Parehong napanood na nina Luis at Jennylyn ang first indie movie ni Gov. Vi at pareho silang proud sa pelikula na nakapaghatid ng first best actress award sa governor ng Batangas mula sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival.

 Personal: Belated birthday greetings to my good friend and kumpare na si Dr. Jonathan Dizon last Aug. 11. Si Dr. Dizon ay kilalang dermatologist ng St. Luke’s Medical Center (QC).

vuukle comment

ALL SEASONS

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DIREK JEFFREY

DIREK JEFFREY JETURIAN

JENNYLYN

KARLA

LUIS

ROMMEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with