^

PSN Showbiz

Mark Anthony at Claudine hindi matuluy-tuloy ang pagbabalikan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ready na si Heart Evangelista na makapareha uli sa isang project ang kanyang ex-boyfriend na si Jericho Rosales.

Why not? May kanya-kanya nang karelasyon ang dalawa at nag-mature na sila kaya hindi na isyu ang pagtatambal nila sa pelikula. Maligayang-maligaya si Heart sa piling ni Papa Chiz Escudero at engaged na si Jericho sa kanyang girlfriend na si Kim Jones.

Walang ipinagkaiba sina Heart at Jericho sa ex-lovers na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez. Ready na ang dalawa na magkasama sa isang project pero  hindi pa natutuloy.

Parang hindi pa ito ang wastong panahon na gumawa ng pelikula si Claudine dahil kailangan muna niya na ayusin ang mga problema nila ni Raymart Santiago.

Protégé winner bida na

Bida na ang Protege winner na si Thea Tolentino dahil siya ang napili ng GMA 7 na maging bida sa Pyra, Ang Babaeng Apoy.

Magsisimula ngayong Agosto ang Pyra at mapapanood ito sa afternoon prime ng Kapuso Network.

Ang fellow Protege winner na si Jeric Gonzales ang leading man ni Thea sa Pyra na ipapalit sa timeslot na mababakante ng Kakambal ni Eliana.

Starring din sa Pyra sina Angelu de Leon at Gladys Reyes. Ang Pyra ang project na sinasabi ko na ibinigay kay Gladys nang hindi ito payagan ng GMA 7 na umapir sa unang teleserye ni Sharon Cuneta sa TV5.

Career nina Rap at Renz pinag-aaralan na ng bagong manager

Si Mama Malou Choa-Fagar na ang manager nina Rap at Renz Fernandez, ang mga anak ni Lorna Tolentino.

Pinag-aaralan na ni Mama Malou ang mga gagawin niya para sa showbiz career ng magkapatid na pareho nang napapanood sa mga programa ng GMA 7. Kapuso na si Lorna kaya natural lang na Kapuso stars na rin ang kanyang mga anak.

Randy at Dennis may pagkakapareho sa isyu

May special participation pala sa Raketeros si Regine Velasquez at nalaman ko ito kahapon nang dumalo ako sa presscon ng comeback movie ni QC Mayor Herbert Bautista.

In-announce kasi na umapir si Regine sa Raketeros na hindi surprising dahil bida sa pelikula ang kanyang mister na si Ogie Alcasid.

Ngayon ang first day sa mga sinehan ng Raketeros.

Magkatabi kahapon sa presscon ng Raketeros sina Dennis Padilla at Randy Santiago.

Ano ang common denominator ng dalawa? Ang Barretto sisters!

Ex-wife ni Dennis si Marjorie Barretto na kapatid ni Claudine na hipag ni Randy.

Parehong kontrobersIyal ngayon ang mga Barretto at Santiago dahil sa maingay na paghihiwalay nina Claudine at Raymart.

 

vuukle comment

ANG BABAENG APOY

ANG BARRETTO

ANG PYRA

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS PADILLA

GLADYS REYES

PYRA

RAKETEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with