^

PSN Showbiz

Lovi nakakaramdam ng nerbiyos kay Cesar

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pabirong tinakot ng press si Lovi Poe na mag-iingat kay Cesar Montano dahil tiyak daw na magkakagusto ito sa kanya lalo’t magkakaroon ng relasyon ang mga karakter nila sa Akin Pa Rin Ang Bukas. Naloka pa ang aktres sa dagdag biro ng press na bed scene agad ang gusto ng aktor.

Excited, pero nenenerbiyos si Lovi to be working with Cesar na dati pinapanood lang niya sa TV at pelikula at ngayon, kasama na at kapareha pa o mas tamang aagawin niya kay Solenn Heussaff. Amazing actor daw si Cesar at sigurado siyang kakabahan siya sa first scene nila together.

Ngayong Linggo pa lang ang taping ng Akin Pa Rin Ang Bukas ni Lovi, naunang nag-taping sa kanya ang ibang kasama. At least, nabigyan pa siya ng time to study her role dahil ibang-iba si Lovelia sa mga karakter na nagampanan na niya, pero excited na siyang buhayin ang kanyang karakter sa tulong ni direk Laurice Guillen.

Tom biglang magkasunod na ang gagawing pelikula

Bukod sa taping ng My Husband’s Lover, magi­ging busy din si Tom Rodriguez sa shooting ng dalawang pelikulang magkasunod niyang gagawin. Mauuna niyang gagawin ang movie sa Viva Films kung saan he signed a two-picture non-exclusive contract. Isusunod niya ang movie sa Regal Entertainment, kung saan may na non-exclusive contract din siya.

Comedy ang gagawin ni Tom sa unang pelikula sa Viva na Bekikang daw ang title to be directed by Wenn Deramas. Bading ang bida (hindi kaya si Joey Paras ito?), pero hindi bading ang role ni Tom.  

Next na gagawin ni Tom ang movie sa Regal, light romance naman to be directed by Jun Lana. Si Carla Abellana ang makakasama ni Tom sa movie na wala pa ring title.

Ang hindi pa napipirmahan ni Tom ay ang kontrata niya sa GMA Network at sabi ng manager nitong si Popoy Caritativo, pagbalik na nila ni Dennis Trillo from Vietnam magsa-sign ng contract sa Channel 7 ang aktor.

Jake nakiki-level sa buhok ni Daniel

Na-conscious si Jake Vargas nang i-point out ng press na kabuhok niya si Charice noong hindi pa nagbabago ng hairstyle ang singer. Hinawakan agad ni Jake ang buhok at tinanong ang mga reporter kung talagang magkabuhok sila ni Charice. Pero noon ‘yun, kaya si Daniel Padilla na lang ang kapareho ng hairstyle ni Jake.

Last week na ng Home Sweet Home, wala pang bagong soap si Jake kaya sa Sunday All Stars, Walang Tulugan at Pepito Manaloto na muna siya mapapanood. In fairness, marami pa rin siyang shows.

Singer-actor haggard ang hitsura matapos isplitan ang girlfriend na nasa showbiz din

Panahon ng break-up sa showbiz dahil may sumunod kina Mark Herras at Ynna Asistio na nag-break. Isang sikat na singer-actor (SA) ang nakipag-break sa kanyang GF na nasa showbis din, pero ayaw pa nitong pag-usapan, but for sure, may lalabas na ring balita tungkol dito.

Kaya pala medyo haggard si SA sa mga guesting niya sa TV lately dahil sa personal problem. Curious lang kaming malaman sa rason ng break-up ng dalawa dahil ‘pag na-i-interview si SA, parang nakita na niya ang perfect woman sa ex-GF.

Naku, matutuwa ang fans nina SA at dati nitong karelasyon na si­nger-actress na pareho silang loveless ngayon dahil noon pa gusto ng kanilang fans na sila’y magkabalikan.

vuukle comment

AKIN PA RIN ANG BUKAS

CESAR MONTANO

CHARICE

DANIEL PADILLA

DENNIS TRILLO

HOME SWEET HOME

JAKE VARGAS

JOEY PARAS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with