^

PSN Showbiz

Dahil sa lungkot, Raymart nahihirapang magluto sa kanyang pag-aaring restaurant

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa pinoste ni Claudine Barretto sa Facebook, kinontra ang nabanggit ni Raymart Santiago sa taping ng Home Sweet Home na ang aktor ang nagluluto ng baon nina Sabina at Santino. Nagbi-bake rin daw siya ng cookies, cake, at bread, o kung ano ang request ng mga bata.

Nakakaintrigang “Really???” ang sagot ni Claudine. Baka naman ginagawa ’yun ni Raymart noong nagsasama pa sila. Ngayon ay hindi na niya magawa dahil hiwalay na sila.

   Anyway, wala pang next project si Raymart after Home Sweet Home at inaayos din ang kontrata niya. First time niyang pipirma ng network o guaranteed contract kung sakali at parang excited na ang aktor.

Habang naghihintay ng next show, magluluto muna siya sa Red Garlic, ang restaurant na isa siya sa owner. Niluluto niya kung ano ang request ng diners. Basta ’pag nagluluto siya kailangang masaya siya.

“Mahirap magluto ng malungkot, mapait ang kinalalabasan ng food,” wika ni Raymart.

Dennis at Carla pahinga muna

Time out muna sina Dennis Trillo at Carla Abellana sa taping ng My Husband’s Lover dahil aalis sila sa July 18 for Vietnam kasama si Michelle Madrigal sa invitation ng Today TV sa Vietnam na magsi-celebrate ng fifth anniversary.

Ang Today TV ang isa sa mga unang Vietnamese TV station na nagpalabas ng Filipino drama gaya ng Sinner or Saint ni Dennis, Faithfully ni Michelle, at Kung Aagawin Mo ang Langit ni Carla. Sa July 22 ang balik ng grupo.

Anyway, sa last Friday episode ng My Husband’s Lover, sina Carla at Tom Rodriguez ang nag-shine, sila ang mas napansin ng viewers batay na rin sa reaction sa Twitter, Instagram (IG), at Facebook. Pero hindi kinakitaan ng insecurity si Dennis dahil kinongratuleyt at pinuri pa ang dalawa sa IG account niya.

Sa fans ng TomDen na worried na baka wala ng moments ang dalawa at maging puro mga eksena nina Lally at Vincent, heto ang sagot ni Suzette Doctolero, head writer ng beki serye: “Hindi totoo. Magle-level up ’yan for the good.”

Samantala, nakausap namin si Helen Sese, ang program manager ng My Husband’s Lover at ibinalitang sa August na lalabas ang DVD copy ng hit serye. 

Extension ng isang soap gustong ilihim

Kumpirmadong extended ng one month ang isang hit soap ng isang network. Nagtataka lang kami kung bakit ayaw muna itong ipasulat. Kaya ayun, sa bulong kumalat ang balita.

Pero kung follower kayo ng cast sa Twitter, nabasa n’yo ang masasayang tweets ng cast at nagpapasalamat sa panibagong blessings sa kanila. Malaking bagay sa talent fee ang one month extension, lalo na kung three times a week ang taping mo.

 

 

vuukle comment

ANG TODAY

CARLA

CARLA ABELLANA

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS TRILLO

HOME SWEET HOME

MY HUSBAND

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with