^

PSN Showbiz

Halikan ng mga bakla at tomboy, uso na!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mukhang maganda ‘yung na-introduce na kuwento ng GMA tungkol sa relasyon ng mga may magkakaparehong kasarian. Naging matapang na rin ang maraming artista na sundan ang yapak nila hindi lamang sa pagtanggap ng roles na tulad ng ginampanan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover. May nauna nang ganitong eksena rin sa indie film na Lihis. Ang magpinsang Georgina Wilson at Isabelle Daza ay nag­halikan na rin sa Internet bilang pakikiisa sa isang samahan na sumusuporta sa mga karapatan ng mga bakla at tomboy. Tapos heto pa sina Iza Calzado at Eugene Domingo na may lips to lips din sa Mga Kuwentong Barbero, isa pa ring indie film.

Sino pa kaya ang susunod sa kanila?

Susan Napakatapang na haciendera

Ang mare kong Susan Roces, binigla ako sa kanyang role sa bago niyang serye sa Dos. Bukod sa talagang napakatapang niyang haciendera, may dala-dala pa siyang baston na lalong nagbibigay lupit sa kanyang karakter.  Congratulations mare, napakaganda ng proyekto na nasamahan mo.

Louise hinihintay na gumanda

Ang dami-dami namang naghihintay na malaman kung gaganda ba si Marilyn (Louise delos Reyes) sa magtatapos ng Mundo Mo’y Akin. Dahil ang nanay naman niya ay gumanda rin nang sumailalim sa pagreretoke dapat ganun na rin ang mangyari sa kanya. Everybody will be happy. Una na si Marilyn, pangalawa ang lola niya na mahusay na ginagampanan ni Jaclyn Jose, ang nanay niyang si Angelica  dela Cruz, ang may gusto sa kanya na si Alden Richards, at pati na ang nanay-nanayan niyang si  Sunshine Dizon, lahat sila, mapwera na lang kay Lauren Young. I’m sure pati mga televiewers will be happy na mapapaganda siya ng retoke.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

DENNIS TRILLO

EUGENE DOMINGO

GEORGINA WILSON

ISABELLE DAZA

IZA CALZADO

JACLYN JOSE

LAUREN YOUNG

MGA KUWENTONG BARBERO

MUNDO MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with