^

PSN Showbiz

PGT 4 grand winner damang-dama ang buhay ni Annaliza

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dama ang kanyang masalimuot na pinagdaanan sa buhay bago nakamit ang tagumpay, bibigyang buhay ng Pilipinas Got Talent 4 grand winner na si Roel Manlangit ang theme song ng hit primetime family drama na Annaliza.

Kamakailan ay sumabak na sa recording ang kilalang YouTube sensation at mapapakinggan na ang sarili niyang interpretasyon ng awitin sa mga umeereng episodes ng soap na tinatampukan ng rising teleserye princess na si Andrea Brillantes.

Inawit din ni Roel ng live ang nasabing theme song sa ginanap na Bida Kapamilya show noong Sabado sa Valenzuela Astrodome.

Samantala, mas titindi na ang mga tagpo sa Annaliza ngayong linggo dahil sa paglamig ng pakikitungo ni Stella (Kaye Abad) kay Annaliza matapos malamang siya ang anak nina Lazaro (Patrick Garcia) at Isabel (Denise Laurel).

Mababaon din sa utang ang kanilang pamilya kaya naman magdedesis­yon si Guido (Zanjoe Marudo) na makipagsapalaran sa ibang bansa. Paano makakaahon sina Annaliza sa dagok na ito? Ano ang naghihintay kay Annaliza sa kamay ni Stella sa oras na mawala si Guido? Huwag palalampasin ang Annaliza gabi-gabi, bago mag-TV Patrol, sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

 

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

ANNALIZA

BIDA KAPAMILYA

DENISE LAUREL

GUIDO

KAYE ABAD

PATRICK GARCIA

PILIPINAS GOT TALENT

PRIMETIME BIDA

ROEL MANLANGIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with