^

PSN Showbiz

So, hindi buntis? Sarah Lahbati nagsasasayaw sa video na maliit ang tiyan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Napanood namin ang 15-second video nina Sarah Lahbati at mga kaibigan doing the squat and crump moves (ito yata ang uso ngayon) sa Instagram. Kita sa video na hindi malaki ang tiyan at ibig sabihin ay hindi buntis ang girlfriend ni Ri­chard Gutierrez.

Kung buntis si Sarah, sa ginawa nitong dance moves ay posibleng ma­nga­nib ang bata sa kanyang tiyan. Bago ang video dahil kailan lang ni-launch na puwedeng gumawa ng video sa Instagram kaya hindi puwedeng sabihing luma ang video na ’yun.

Ang video siguro ang sagot ni Sarah sa matagal ng tsismis na buntis siya. Hindi na siya nagsalita, ang video na ang sagot niya sa tsismis.

Incidentally, sa presscon ng My Lady Boss, nabanggit ni Richard na babalik si Sarah para harapin ang lahat-lahat pati ang demanda ng GMA Network, Inc. at ni Atty. Annette Gozon-Abrogar. Hindi nagbigay ng date ang aktor kung kailan babalik ng Pilipinas ang nobya.

Barbie inilalapit na ang sarili kay Dennis

Sobra kaming naaaliw kay Barbie Forteza dahil lalo yatang lumala ang crush kay Dennis Trillo at wala itong pakialam kung bading ang role ng aktor sa My Husband’s Lover. Kapag nasa bahay, tutok sa series ang dalagita at nakikisali sa Twitter party ng followers ng series at isa siya sa mga rason kung bakit for two weeks ay laging nagti-trend sa Twitter ang serye na iba’t iba ang pangalan.

Tuwing nagtu-tweet, may kasamang “Papa Dennis” si Barbie at ang latest na ginawa na pati ang aktor ay natuwa ay ’yung pagtabihin ang picture nilang dalawa kuha sa kani-kanilang show. Si Dennis ay ’yung eksena sa My Husband’s Lover na hinalikan ang palad after ng shake hands nila ni Tom Rodriguez.

Nakahalik din sa kamay niya si Barbie na feeling namin eksena niya sa Anna Karenina. Tuwang-tuwa ito dahil napa-“wow” si Dennis nang makita ang screen grab at may hashtag na #ilusyonadang­frog at #librengmangarap.

Tinanong pa ni Barbie si Dennis kung naniniwala ang aktor sa destiny at lalong kinilig sa sagot ni Dennis na “naniniwala rin.” Hahaha!

Speaking of My Husband’s Lover, hindi lang ang One More Try ang napasikat na theme song ng serye dahil pati ang second theme song na Help Me Get Over You ni Jonalyn Viray ay sumikat. In fact, No. 2 na ito sa iTunes Top 10 at ang Give Me a Reason lang ni Pink ang nakatalo.

Boyet sumama sa star-studded cast ng Kapamilya

Hindi sa TV5 at hindi rin sa GMA 7 ang next soap ni Christopher de Leon kundi sa ABS-CBN dahil kasama siya sa cast ng new soap ng network na Hanggang Kailan Kita Mamahalin. Nasa cast din ang aktor ng Misibis Bay ng TV5, mabuti na lang at mauunang umere ang seksi serye ng network.

Star-studded ang cast ng new ABS-CBN soap dahil bukod kay Boyet, bida rin sina Angel Locsin, Maja Salvador, Rio Locsin, at Jericho Rosales. Okay lang naman siguro kay Maja kung kapalit lang siya ni Andi Eigenmann at si Jericho na ipinalit kay Pauo Avelino.

Ang magkasamang puwersa nina Rory Quintos at Dado Lumibao ang dalawang direktor ng Hanggang Kailan Kita Mamahalin.

Mikael enjoy sa kaiikot para maghanap ng makakain

Kitang enjoy si Mikael Daez sa segment niyang Midnight Snack sa Saksi na umiikot siya sa Metro Manila at naghahanap ng restaurants o karinderya na nagse-serve ng kakaibang pagkain.

Kahit puyat sa taping ng With a Smile, maagang gumigising si Mikael ’pag may taping siya for Midnight Snack. Sana sa next episodes, exotic food ang ipakain sa Kapuso actor para makita ang reaction niya.

Nasa Bubble Gang din pala si Mikael at wish nitong hindi siya alisin ’pag nag-airing na ang With a Smile dahil nag-i-enjoy din siya sa gag show. Masaya raw sa taping at ang mga kasama.

Anyway, this Monday na ang pilot ng With a Smile at makikilala na sina Dean (Mikael), Aston (Christian Bautista) at Isay (Andrea Torres). For sure, tututukan din ang directing ni Louie Ignacio na ngayon lang uli magdidirek ng soap.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

ANDREA TORRES

BARBIE

HANGGANG KAILAN KITA MAMAHALIN

MIDNIGHT SNACK

MIKAEL

MY HUSBAND

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with