^

PSN Showbiz

Isang empleyado lang ang tingin sa kanya ng GMA? Regine kinukuwestiyon kung uso pa ba ang loyalty

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mother’s Day Special ang mapapanood sa Party Pilipinas mamaya na gaganapin sa SM-Mall of Asia Arena.

Ang brand new mommy na si Kyla ang isa sa special feature na kung saan first time na mapapanood sa TV ang Baby Toby nila ni Rich Alvarez.

Bibigyan din ng special segment gaya ni ni Jennylyn Mercado na magsi-celebrate rin ng kanyang kaarawan.

PAK: Si Dennis Trillo ang isa sa nagulat nang magsalita si Martin Escudero tungkol sa pag-alis niya sa poder ng manager nilang si Popoy Caritativo.

Ayaw lang niyang magkomento sa ngayon pero nagpahayag na siya ng suporta kay Popoy at wala siyang balak na umalis o sumunod kina Marian Rivera at Martin.

Naging isyu lang kung sino ang unang umalis dahil ang sabi ni Martin siya ang unang umalis at hindi sumunod kay Marian.

Pero ang unang lumabas na balita sumunod daw si Martin kay Marian bilang suporta sa aktres.

Hindi pa rin nagsasalita si Popoy kaugnay sa isyung ito. Pero inilahad na niya lahat sa meeting nito sa PAMI.

BOOM: Naging palaisipan ang mga tweet ni Regine Velasquez kagabi na maaaring isa mga dahilan kung bakit hindi ito makatulog.

Unang tweet nito: “Uso pa ba ang loyalty? Pano kung hindi naman loyal sa ‘yo at isang empleyado lang ang turing sa ‘yo?

“Well, I have to say that I’m still a loyal person…”

Dagdag pa nito: “Siguro mali ang tanong ko. Sa industriyang ito uso pa ba ang loyalty? Well, maybe I should not feel so bad…”

Maaaring may kinalaman ito sa napabalitang pag-alis ni Ogie Alcasid sa GMA 7 at napapag-usapang si Regine raw ang susunod na malapit na ring matapos ang kontrata.

Abangan na lang natin ang mga susunod na magaganap. Ayaw lang naming pangunahan ang GMA 7 sa susunod nilang announcement.

vuukle comment

AYAW

BABY TOBY

DAY SPECIAL

JENNYLYN MERCADO

MALL OF ASIA ARENA

MARIAN RIVERA

MARTIN ESCUDERO

OGIE ALCASID

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with