^

PSN Showbiz

Zanjoe ayaw patalbog sa career ni Bea kaya pumayag nang maging bakla

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Wala yatang hindi gagawin si Zanjoe Marudo para mapatunayan ang kagalingan niya bilang aktor. Biruin mo pumayag na naman itong maging isang bakla sa Bromance, isang pelikula ni Wenn De­ra­mas. Maging ang gf niyang si Bea Alonzo ay puring-puri ang lakas ng loob niyang gampanan ang mahirap na role ng isang beki gayung machong-macho siya. Ma­rami ang nagsasabi na ayaw la­­mang ni Zanjoe na mapag-iwanan siya ni Bea sa ac­ting kaya nag­papaka-versatile siya. Walang masama rito.

Sid biglang nagbago para sa anak

Ang ipinagbubuntis lang pala ng kanyang girlfriend ang makapagbibigay ng inspirasyon kay Sid Lucero para maging aktibong muli sa kanyang pag-aartista. For a while ay nawala ito sa mga palabas ng GMA 7 at nang makitang muli ay mataba na siya at hindi na pang-leading man material.

Sa nakatakdang pagsisilang ng kanyang panganay na isang babae pala, nabigyan ng panibagong pag-asa ang magaling na aktor para haraping muli ang kanyang tra­baho. Sid is slowly getting his old form back, earlier than expected.

Niel at Sef nagtatapatan

Mukhang itinatakda ng tadhana na maging magkalaban sa pagiging artista sina Sef Cadayona at Niel Coleta. Kapapanalo lang ni Sef sa FAMAS sa kategoryang  Break­through Performance By An Actor na katumbas din ng napanalunan ni  Niel (Best New Actor ) mula sa Star Awards. Magaling si Niel sa role niya bilang bff ni Sam Con­­cepcion sa I Do Bidoo Bidoo, ganundin si Sef sa  indie movie na Gayak.

vuukle comment

BEA ALONZO

BEST NEW ACTOR

I DO BIDOO BIDOO

NIEL

NIEL COLETA

PERFORMANCE BY AN ACTOR

SAM CON

SEF

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with