^

PSN Showbiz

Inang hinagis ang anak sa bintana para iligtas sa sunog, tampok sa Saklolo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isasalaysay nina Maan Macapagal at Dominic Almelor ang pagkakaligtas ng isang ina sa kanyang sanggol na anak mula sa sunog sa pamamagitan ng paghahagis nito sa bintana ngayong Miyerkules (Abril 17) sa Pinoy True Stories: Saklolo.

Nakulong si Jobell at ang kanyang anak na si baby Pauleen sa kuwarto habang unti-unting nilalamon ng sunog ang kanilang bahay, kaya naman humingi na siya ng saklolo sa mga kapitbahay na nasa ibaba. At kahit delikado man, hindi nagdalawang isip si Jobell na ihagis ang baby sa bintana mailigtas lang ito. Suwerte’t nasalo ng kapitbahay niya ang bata. 

Nagtamo ng third-degree burns si Jobell at kinailangan niyang sumailalim ng skin grafting surgery. Dahil humanga ang isa sa mga doktor sa pagligtas ni Jobell sa anak, sinagot na ng ospital at ng Pamahalaan ng Maynila ang kanyang operasyon.

Samantala, susundan naman ni Karen Davila ang ma­dam­daming paghaharap ng isang lola at ng pamilya ng nobyo ng kanyang apong si Alice ngayong (Abril 16) sa Pinoy True Stories: Engkwentro. Naglayas si Alice upang sumama sa kanyang nobyo at nang nakauwi ito ay inaming posible siyang buntis mula sa pakikipagtalik sa nobyo.

Tutukan ang Engkwentro ngayon (Abril 16) at ang Saklolo ngayong Miyerkules (Abril 17), 4:45 ng hapon sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Subaybayan din ang ibang mga bagong Pinoy True Stories hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, tulad ng Bistado ni Julius Babao tuwing Lunes, Demanda­han ni Anthony Taberna tuwing Huwebes, at Hiwaga ni Atom Araullo tuwing Biyernes. 

 

vuukle comment

ABRIL

ANTHONY TABERNA

ATOM ARAULLO

DOMINIC ALMELOR

ENGKWENTRO

JOBELL

JULIUS BABAO

KAPAMILYA GOLD

PINOY TRUE STORIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with