^

PSN Showbiz

Bam Aquino, Bro. Eddie, at Jack Enrile may ibubuga ba?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa-isang sasagutin ng mga senatorial can­didate na sina Bam Aquino, Bro. Eddie Villa­nueva, at Rep. Jack Enrile ang mga pi­na­kamaiinit na tanong ukol sa kanilang personal at propesyonal na buhay mula sa beteranong mamamahayag na si Lynda Jumilla sa election program ng ANC na Harapan 2013 nga­yong Martes, March 5. Makatulong kaya sa kandidatura ni Bam ang pagiging pinsan ni Pa­ngulong Noynoy Aquino o makasira pa ito? Paano niya gagamitin ang pagiging social en­trepreneur upang pagsilbihan ang publiko kapag siya ay nanalo?

Gaya ni Bam, sikat na pangalan din ang puhunan ni Rep. Jack mula sa kanyang ama. Paano niya lalabanan ang iba’t ibang kontro­ber­siyang kinasasangkutan ni Senate President Juan Ponce Enrile upang mapigilan ang tuluy-tuloy na pagbagsak sa mga survey?

At bagama’t hindi pa man ganap na nakakapasok sa pulitika, dalawang beses nang nabigo sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa si Bro. Eddie. Suwertehin na kaya siya ngayon?

vuukle comment

BAM AQUINO

EDDIE

EDDIE VILLA

JACK ENRILE

LYNDA JUMILLA

NOYNOY AQUINO

PAANO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with