^

PSN Showbiz

Krista Kleiner binubugbog ni Jayr kaya nakipaghiwalay!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Sa susunod na linggo ay magsisimula nang mag-taping si Aljur Abre­nica sa Indio.

Excited ang hunk actor dahil noon pala ay gusto na raw niyang maging bahagi ng malaking epicseryeng ito ni Sen. Bong Revilla.

Matagal-tagal din ang participation dito ni Aljur dahil mahalaga ang role na gagampanan niya sa buhay ng Indio.

Ang isa pang babalik ding mag-taping sa Indio ay ang batang si Vincent Magbanua dahil maglalabas ng flashback ng batang Indio.

PAK : Ngayong araw sa Party Pilipinas ay magpapaalam muna si Kyla dahil magpapahinga na ito bilang paghahanda sa nalalapit niyang panganganak.

Matagal na raw gusto ng ama ni Kyla na pa­tigilin ito sa Party Pilipinas, pero ayaw pa raw ng RnB princess dahil nagi-enjoy pa ito sa naturang musical-variety show.

Ngayon lang siya napapayag na tumigil na muna dahil lumalaki na nang husto ang kanyang tiyan.           

Baka next month daw ay manganganak na ito kaya kailangan talaga nito ng pahinga para maging safe lang ang kanyang panga­nganak.

BOOM : Nasa Malaysia pa ngayon si Krista Kleiner, pero pagbalik nito ay ilalahad daw niya ang lahat na mga naranasan niya kay JayR nung magkasintahan pa sila.

Inamin niya sa interview sa kanya ni Mo Twister sa Podcast na sinasaktan siya noon kaya napagpasiyahan na niyang makipaghiwalay.

Hindi pa nakunan ng sagot si JayR tungkol dito dahil kararating lamang nito galing Amerika.

Ewan ko lang kung papatulan niya ito, dahil ang sabi ng ilan, gusto lang daw gumawa ng ingay ni Krista dahil malapit na raw nitong i-launch ang bago niyang album.

Sabi naman ni Krista, wala raw talaga siyang balak na ilabas pa ito. Nadulas lang daw siya kay Mo nang napag-usapan daw nila sa interbyung iyun ang tungkol sa pambubugbog.

Akala raw niya walang nakikinig sa Podcast ni DJ Mo, kaya nagulat siya nang marami ang nagtanong sa kanya tungkol dito.

vuukle comment

ALJUR ABRE

BONG REVILLA

DAHIL

INDIO

KRISTA

KRISTA KLEINER

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with