^

PSN Showbiz

Dingdong pinagsaluhan sa love scene ng dalawang Angel

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Sa presscon ng One More Try, sinabi ni Direk Ruel Bayani na naiiba ang pelikula dahil kum­pli­kado ang problema ng mga karakter nina Ang­el Locsin, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, at Dingdong Dantes. Masuwerte siya dahil ang gagaling umarte ng kanyang mga artista na posibleng manalo pa sa best actress category at hindi pahuhuli sa akting ni Nora Aunor sa Thy Womb.

Sinabi ni Angel na ngayon lang siya gumawa ng ganito ka-mature na pelikula kung saan ang role niya ay may asawa at may anak na may sakit.

‘‘Hindi ko na iniisip ang tama o mali, maging mo­ral o immoral basta’t priority ko ang kapakanan ng aking anak,’’ sabi ng aktres.

Hindi rin ipagdadamot ni Angelica ang kanyang asawa basta’t mabuhay lang ang isang bata na anak ng kanyang asawa kay Angel.

Kumusta naman ang love scene nila kay Dingdong?

Hanga ang dalawa sa kanilang kapareha dahil iisa lang sinabi nila tungkol kay Dingdong.

Say ni Angel, ‘‘Sobrang maalaga si Dong sa kan­yang kapareha. Bago simulan ang love scene ay nagtatanong ito ng ‘Okay ka ba?’ Bilib ako sa kanya dahil inuuna niya muna ang kapakanan ng kapareha at ’di siya nagte-take advantage kaya komportable ako sa aming love scene.’’

Sabi naman ni Angelica, ‘‘Sobrang gentleman niya at protective sa kapareha. Naroon ang respeto niya sa babae.’’

Nag-showdown ang dalawa sa aktingan, ayon kay Direk Ruel at itinodo na nila ang iyakan sa ibang eksena.

Kasama pa rin sa dramatic masterpiece sina Car­mina Villarroel, Agot Isi­dro, Edward Mendez, at Gina Pareño. Ang One More Try ang isa sa walong official entries sa Metro Manila Film Festival 2012 mula sa Star Cinema.

Marian producer na

Sa Christmas party ng Luminary Talents ni Popoy Caritativo ay nakausap ng entertainment press si Marian Rivera at dun niya sinabi na magpo-produce siya ng isang action-comedy na wala pang title na kasosyo ang isang Kapamilya actor.

Baka mag-co-produce sila ni Dingdong Dantes ng isa ring proyekto after Tiktik. Agostodos ang film outfit ng BF kaya may nag-suggest kay Ma­rian na gawin niyang Agostodose Productions dahil ito naman ang kanyang kaarawan.

 

vuukle comment

AGOSTODOSE PRODUCTIONS

AGOT ISI

ANG ONE MORE TRY

ANGELICA PANGANIBAN

DINGDONG DANTES

DIREK RUEL

DIREK RUEL BAYANI

EDWARD MENDEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with